THIRTY-NINE: HIDE AND REVEAL!

45.3K 1.1K 129
                                    

Hello everyone! Please read my new stories tRICky Destiny (pwede sa lahat) and Blazing Urge (PANG 18 AND ABOVE LANG. MINORS BAWAL SA INYO) 

Also, please don't forget to grab a copy of Perfect Haters book. :) For more updates about everything follow me on INSTAGRAM @itsmelabrio and TWITTER @Official_Mela_B and my FACEBOOK Megladiolus Watty. 

Thank you so much.

Love lots,
megladiolus

THIRTY-NINE: HIDE AND REVEAL!

 

 

VINCY’S POV

 

 

“Basta wag ka lang magpahalata ng todo. Ikaw kasi kapag kinikilig ka masyadong halata. Pakipot ka naman ng konti.” Payo ko kay Suzie.

[Sige sige tatandaan ko yan. Kasi naman kapag nakikita ko sya kusa na lang akong napapangiti. Tapos kapag ngumiti sya at hinawakan ako parang gusto ko nang mahimatay. Ang gwapo kasi tapos ang puti pa. Mas maganda pa nga ang kutis nya kaysa sa’kin.]

“Ih wag mo na nang isipin yang kutis kutis na yan. Alam mo yan si Trav nagustuhan ka nya dahil ikaw ay ikaw! Wag ka na lang magpadala sa nararamdaman mo at baka maturn off na sya.” Pagpapaalala ko sa kanya. “Sige na nandito na ako sa bahay ng lola ko. Balitaan mo na lang ulit ako sa susunod ha. Bye.” At nagpaalam na rin sya. Pumasok ako sa loob dala ang mga pinamalengke ko. “Lola, nandito na po ako.” Dumiretso ako sa kusina at iniayos ko ang mga dala ko. “Lola!” Tawag ko ulit sa kanya. Malamang kasi nasa kwarto sya at nagpapahinga o kaya ay nandun sa isang kwarto at nananahi. Umakyat ako sa itaas. “Lola, may gusto po ba kayong kainin?” Tanong ko habang naglalakad papaitaas. Nakita ko sya na nananahi. “Bakit naman po hindi kayo sumasagot?” Lumapit ako sa kanya at nagmano.

“Ay nandyan ka na pala. Nakita ko kasi ‘tong polo ng lolo mo, naisip kong tahiin kaso di na kaya. Kaya nanahi na lang ako ng bago.” Umupo ako sa tabihan nya.

“Bilib po talaga ako sa pagmamahal nyo kay lolo. Kasi naman po kahit wala na sya kitang-kita ko pa rin kung gaano nyo sya kamahal.” Humilig ako sandali sa balikat ni lola.

“Alam ko naming ikaw din ay ganoon. Mukha namang mabuting lalaki iyung nobyo mo.” Nagulat ako sa sinabi nya at napatingin sa kanya ng diretso.

“Nobyo? Naku lola kung si Benioff po ang tinutukoy nyo wala na po sya. Sumakabilang buhay na po yun.” Natatawa kong sagot. Kasi naman si lola minsan nakakalimutan na yung mga nangyari na. Akala nya parang kahapon lang nangyari ang lahat.

“Hindi naman yun ang sinasabi ko. Ang tinutukoy ko ay yung lalaking tumulong sa’yo dito nung nakaraan.” Napatigil sya pananahi. “Sobrang bait ng binatang iyon.”

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon