FIFTY TWO: GUILTY!

23.7K 875 92
                                    

FIFTY TWO: GUILTY!

 

 

 

TUCKER'S POV

 

 

"Bakit mo yun nagawa?" galit na galit kong sabi kay Margarette. Pinuntahan ko kagaad sya ng marinig ko ang nangyari.

"Ganyan na ba kababa at kasama ang tingin mo sa'kin? Hindi ako makapaniwala. Hinuhusgahan mo ako dahil lang sa sinasabi nila? Oo may feelings pa rin ako sa'yo. Pero hindi ako ganun kabrutal para gawin yang mga sinasabi mo sa isang babae! Babae rin ako Tucker!! Hindi ko gagawin ang mga bagay na yun lalo na kung magkakaroon ako ng sariling anak sa future!!" Pumatak ang mga luha nya. "Hindi mo man lang ako tinanong kung anong nangyari! Kung paano ko nakita si Vincy. Hinusgahan mo na agad ako na sigurado ka na ako ng may kasalanan nun." Naguilty ako sa sinabi nya pero hindi ko na alam kung sinong paniniwalaan ko. "Wala akong kasalanan pero alam ko kung sinong may gawa nito. Papatunayan ko sa'yo na wala akong kasalanan. At kapag nangyari yun, kakalimutan kong may isang katulad mo na buhay sa mundo!!" Tumayo sya para pumasok na sa loob.

"Sino – sino ang gumawa nito sa kanya?" tanong ko sa kanya pero tiningnan nya lang ako at hindi sya sumagot. Mali ako – mali ako at hinusgahan ko si Margarette. Hindi sya ang gumawa nun. Hindi sya dahil kilala ko si Margarette. Kapag ganun na ang tingin nya at hindi sya sumasagot ibig sabihin wala syang kinalaman. Isang malaking pagkakamali ang hinusgahan ko sya pero sino? Sino ang gagawa nito sa kanya?

Tinawagan ko ang ospital at tinanong ang ambulansya kung saan nila kinuha si Vive. Dun ako magsisimula ng pagiimbistiga. Mag-intay ka lang mahal ko, bibigyan ko ng katarungan ang nangyari sa'yo.

*************

SUZIE'S POV

 

 

 

"Bakit hindi nyo sinabi sa'kin na nawawala ang sarili kong anak?" galit na sabi ni tito sa asawa nya.

"Hindi mo naiintindihan. Ayokong mabigla ka at baka kung anong mangyari sa'yo. Sinubukan kong hanapin sya bago ka man lang umuwi pero hindi ko sya nakita." Naiyak na sagot ng step mom ni Vincy.

"Sinungaling ka!! Hindi ka naghanap! Nagpakasaya pa kayo ng anak mo!! Kung hindi lang nahuli ang babaeng yun iisipin kong kayo ang may kasalanan ng lahat ng nangyari sa apo ko!!!" Sigaw ni lola kaya naman inalalayan ko sya dahil masyado na syang nagagalit.

"Wala akong kinalaman sa nangyari sa kanya. Wala kaming alam ng anak ko. Tumutulong pa nga si Yvonne sa paghahanap sa kanya. Hindi ba anak?" sagot ng nanay ni Yvonne.

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon