TWO: DOUBLE TROUBLE!

124K 2.1K 118
                                    

TWO: DOUBLE TROUBLE!

VIENNA'S POV

"He's weird at sobrang nakakatakot. Basta ayoko na ulit syang makita at ayoko na ulit makaagaw sya sa pie na yun." Kakatapos lang ng klase namin at so far peaceful naman ang buong afternoon ko.

"Sino ba kasing sinasabi mo?" tanong ni Levzkane, ang pinakahot sa mga friends ko. She's so freaking sexy. Yes, yung 36-24-36, sya yun.

"Yung lalaki sa cafeteria duh!!!" I rolled my eyes.

"OMG! Don't tell me si Tucker Fanton yun?" sigaw ni Amber, ang beauty queen sa'ming magkakaibigan.

"Oh? May pangalan pala sya?" bigla akong hinawakan sa balikat ni Levzkane at pinalibutan nila akong tatlo, oo kasama pa si Cherica, the genius.

"Vienna, nagkita ba kayo ulit? I mean he's Tucker 'The Tucker Fanton'!!!" kinalog-kalog pa nga ako ng loka.

"What the!! Levz! Stop calling me Vienna!! Lalo na dito sa school! Nakita mo naman ang itsura kapag nandito di ba?!!" inalis ko ang kamay nya at naglakad ako pero bago pa ako makalayo eh hinarang ulit nila akong tatlo.

"Fine! Vincy, okay na? So sabihin mo sa'min nagkita ba kayo ulit?" mahinang tanong ni Levzkane.

"Okay. Pero sana this will be the last time na babanggitin nyo sa'kin ang pangalan nya. Kung kinikilig kayo sa kanya pwes ako hindi!" tumingin ako sa paligid at sumenyas ako sa kanila na lumapit pa sila ng konti. "Magkaklase kami sa isang subject."

"WHAT?!!!!!!" they said in unison at napatakip naman ako ng tenga.

"OH MY FREAKIN' GOSH!! You're so freakin' lucky!!!" arteng-arte 'tong si Amber sarap sipain sa mukha.

"Oh I'M FREAKIN' NOT!!! Sya bahala na kayong mag-inarte dyan kasi kung hindi pa ako aalis male-late na ko sa duty ko ngayon." Nilampasan ko silang tatlo. Pero bago pa ako makalayo eh humarang na naman sila. "Ano na naman?"

"Wala naman. Gusto mo bang ihatid ka na lang namin sa Oquenin?" nagtinginan silang tatlo.

"There's no way na ilalakad ko kayo sa espasol na yun! Girls, hello! Magkasing puti kayo ng mukha. At sa'tin-sa'tin lang 'to ha, pero yung Duck Pandong na yun – "

"Tuck Fanton, Vincy. Tuck not duck." Sabi ni Cherica, the genius. Gusto nya kasi lahat perfect.

"O sya eh di ikaw na magkwento? Ayaw nyo atang malaman eh. Bye." Papalakad na ulit ako ng hinawakan nila ako.

"Ano nga kasi yun?" bulong ni Levz.

"Yan Duck na yan eh – gay." Yung itsura nilang tatlo parang nakakita ng multo na nadouble dead. Wala silang reaction. Tulala lang sila at sinamantala ko na yun para makaalis. Hindi ko naman talaga alam kung gay ba yung Duck espasol na yun pero dahil halos kasing puti na ng mukha nya ang mukha ng mga kaibigan ko, 100 percent sure ako na he's gay. So I'm telling the truth.

Tumingin ako sa watch ko. "Oh cr*p!" dahil sa kadaldalan ng mga kaibigan ko male-late pa ko sa work. Ang layo pa mandin ng sakayan ng jeep mula dito sa school. Nakakainis. Gagawa na lang ako ng palusot kapag na-late ako. Kasi naman kung magpapahatid ako sa kahit sino sa kanilang tatlo baka mas lalo lang tumagal ang byahe ko kasi for sure tatanungin nila ko. I mean duh, dalawang beses ko lang naencounter yung lalaking espasol na yun at ayoko na ulit syang makita. Ayoko sa lalaking feeling dahil ang mga ganung lalaki alam ko kung ano lang ang habol sa babae. Sorry sya. Hindi ko sya type. Pawisan na ko bago makarating sa Oquenin. Yun ang bar na pinagta-trabahuhan ko kapag gabi. Mga sosyal naman ang napunta dun. Sa mahal ng entrance ay naku hindi ka basta makakapasok. Malaki din ang kinikita ko dun at hindi ako si Vincy kapag nandun ako. Ibang-iba sa image ko kapag nasa school.

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon