FORTY FIVE: ARE THEY DYING OR WE'RE LOSING OUR MINDS!

34.1K 934 34
                                    

FORTY FIVE: ARE THEY DYING OR WE'RE LOSING OUR MINDS!

 

 

VINCY'S POV

 

 

Nakatayo ako ngayon dito sa harap ng bahay namin. Oo, ng bahay namin. Ayoko na sanang bumalik pero tama si lola. Bahay namin 'to nila mommy at hindi ako papayag na tirahan lang 'to ng magaling na magnanay na 'to.

Papasok palang ako ng pintuan ng bigla akong sinalubong ni Yvonne. "Oh my gosh my dear step sister you're back!" Niyakap nya ako at pakiramdam ko bumaligtad ang sikmura ko at gusto kong masuka. "We missed you." Ako naman blank face. "Aren't you glad to see us again? Mom, Vincy's back."

"Vincy you are home again!" Yumakap din ang step mother ko.

"Uhm excuse me lang ha. Sino ba kayo? Anong nangyayari? End of the world na ba o malapit na kayong mamatay?" Tinitigan ko sila. "No – don't tell me – ohhhh no! Yvonne may cancer ka? Ang kati-kati mo kasi!! Ayan tuloy – ang bata mo pa." Niyakap ko sya at kunyari naiyak ako.

"What? No! Mom, no!! Vincy stop!" At bumalik na sya sa pagtataray.

"See! Hindi nyo kayang magpakabait kahit isang minuto! Sige na, umalis na kayo at pagod pa ko!" Nilampasan ko sila at dumiretso ako papataas.

"Wait Vincy!" sigaw ni Yvonne kaya naman tumigil ako. "I just want to congratulate you. Kayo na pala ni Tucker. Congrats." Inabot nya ang kamay nya sa'kin at tiningnan ko lang. "No hard feelings! Sorry kung naging masama ako sa'yo before but swear pinagsisisihan ko na. Kasi alam mo nagworkshop ako about these kind of things tapos naliwanagan ako sa mga bagay-bagay."

"Workshop talaga? Hindi ba seminar?" tanong ko sa kanya.

"O basta kung ano man yun. Pero sincere ako. Sorry sa lahat." Ngumiti sya at niyakap ako. "Please forgive me."

Tinitigan ko sya. Ang tahimik sa bahay. "And the winner for best actress is tenenenenenenen Yvonne!!! Bravo!!!" Sigaw ko ng malakas tsaka ako pumalakpak. "Wag ako Yvonne, iba na lang. Ako pa ba? Gaano ba Katanga ang tingin mo sa'kin. Ako pa ba ang lolokohin mo?" Naglalakad ako papalapit sa kanya at umaatras naman sya. "Hindi ako ipinanganak kahapon para ganituhin nyo lang!!"

"Mom! Mom!" Sigaw nya pero dahil sa takot hindi nya namalayan na nasa malalaglag na pala sya sa hagdanan. Gumulong si Yvonne na parang slow motion at pagdating nya sa ibaba ay tumama ang ulo nya sa kanto ng mesa at – at hindi – hindi maari – may dugo sa ulo nya.

"Yvonne!!!!!" Sigaw ko ng malakas.

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon