EIGHT: DEAL OR NO DEAL!

61.9K 1.3K 85
                                    

EIGHT: DEAL OR NO DEAL!

 

TUCKER’S POV

“Next!” sigaw ni Bubi.

Isang babae na naman ang biglang lumapit sa’kin. Inikot-ikot nya ko sabay ikot din nya. Ang galing kaya lang matanda na at hindi hot tingnan. Tumingin ako kay Bubi at umiling.

“Next!” may pumasok na babae. Nakamaskara. Ang sexy ng suot. Ang galing pang gumiling. Mukhang nakita ko na ang hinahanap ko. Sumunod lang ako sa ginagawa nya. Nakatalikod sya sa’kin at gumigiling habang nagchachacha kami.

“Remove your mask sweetheart.” Bulong ko sa kanya at narinig ko naman syang tumawa. Tinanggal ko ang mask nya tsaka ko sya inikot para makita ko ang itsura nya.

“Hi sir.” Nakangiti nyang sabi. Nabitawan ko yung mask sa nakita ko. Isang babaeng tinubuan ng mukha este acne na tinubuan ng mukha. Parang wala ng paglagyan ang acne nya sa mukha tapos sira pa ang ngipin. Napaatras ako ng todo sa kanya dahil muntik na nya kong mapatay sa baho ng hininga nya.

“BUBI!!!” sigaw ko. Sumenyas naman si Bubi sa mga guards at inilabas yung babae. Napaupo ako at inabutan ako ni Bubi ng inumin. “Mukhang wala na ata akong makikita. Sigurado ka bang nandito lahat ng magagaling?” kasi naman mga 40 na ata yung nakikita ko pero wala pa ring pumapasa.

“Master Tucker sabi nyo po lahat ng magagaling. Magagaling naman po silang lahat. Di nyo naman po sinabing dapat bata at maganda. Mahirap pong mahanap yun. Pero meron pong last na dumating. Ang ganda po at ang sexy kaya lang parang hindi marunong magsalita, mahiyain ata. Naisip ko nga mata-typan nyo sya kahit hindi sya maging dance instructor.” Pagbibiro ni Bubi.

“Aha Bubi yan ang gusto ko sa’yo. Binibigay mo yung hindi lang mga kailangan ko kundi pati yung gusto ko.” Ibinaba ko sa table yung iniinom ko tsaka ako tumayo. “Let’s do this. Nasaan na?”

“Next!” sigaw ni Bubi at tumugtog ulit ang pangballroom na sayaw. Lumabas ang isang magandang babaeng nakared dress na kita ko na ang kaluluwa kapag yumuko. Ang kinis at ang puti at wow ang future nagwawala sa laki.

Dahan-dahan syang naglakad papalapit sa’kin while biting her lower lip. Oh cr*p she’s sizzling hot. Umikot sya sa’kin at nagstay sa likuran ko. Grabe ramdam ko ang Mt. Banahaw sa likuran ko. Bigla nya kong hinawakan sa butt. “You’re naughty huh. I like that.” Sabi ko sa kanya tsaka sya pumunta sa harapan ko. Nag-tango kami sandali then umikot sya at bumalik sa harapan ko pero nakatalikod sa’kin. Kinikiskis nya ang malaki nyang hips sa maling place. Kapag di sya tumigil baka sumabog ang Mt. Pinatubo. At dahil makulit sya sinabayan ko na rin sya sa pagsasayaw at hindi ko napigilang mahawakan ang Mt. Banahaw nya. “Oops I didn’t mean that. Nadulas yung kamay ko, ang likot mo kasi.” ngumiti lang sya at hindi naman nagreklamo. Wow, she’s driving me mad. Ngumiti lang ako ng maramdaman kong hinawakan nya ang iniingatan kong kayamanan. “You don’t like me when I’m angry.” Bulong ko sa kanya at ngumiti lang ulit sya at nagwink pa.

Umikot sya for the last time then pinastop ko na yung music. Tinitigan ko sya at nakangiti lang sya. Tiningnan nya ko mula ulo hanggang middle part. Just to be fair tinitigan ko rin ang Mt. Banahaw nya. “You’re good. I have this feeling na every session natin super hot. So you’re hired.”

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon