FIFTY FIVE: GOOD NEWS! BAD NEWS! GOOD NEWS! BEST EVER!
VINCY'S POV
Natapos ang graduation namin ng parang walang nangyari sa'kin. Hindi ko man lang naramdaman ang awa sa mga mahal ko sa buhay. Naiiyak ako kasi nandito kaming lahat at nagsasaya. Hindi man halata na masakit pa rin ang karanasan ko hindi ko naman pwedeng ipakita sa kanila. Lalo na dito sa lalaking mahal na mahal ko na kahit anong nangyari o mangyari hindi ako iiwan.
"Ladies and gentlemen, I'd like to take this opportunity to thank all of you for being part of my life. Alam kong hindi dito natatapos ang journey nating lahat. Maigsing panahon lang ang pinagsamahan natin pero marami tayong natutunan. Natuto tayong magmahal, masaktan, bumangon at nagpatuloy pa rin. Kung ano mang path ang tatahakin natin sa buhay alam kong malalampasan natin yun." Sabi ni Duck. "Sa magandang dilag na nagpatino sa'kin at pinakita na pwede pa pala ulit akong magmahal, ito ang simula nating dalawa." Ibinaba nya ang hawak nyang wine glass. "Sa harap ng mga kaibigan natin at ng pamilya mo - " nagulat ako ng bigla syang lumuhod at naglabas ng singsing, " - I know marami tayong pinagdaanan. Marami kang narasanan. Pero wala akong pakialam sa lahat ng yun. Ang alam ko mahal kita at ikaw ang buhay ko. Gagawa tayo ng panibagong bukas na magkasama." Tumitig sya sa mga mata ko. "So Vincy Perithon, will you marry me?" Nagsigawan ang mga tao sa sobrang kilig habang ako eh napaiyak na. Hindi ko alam kung anong mararamdaman. Natutuwa ako pero - pero parang hindi ata tama na pakasalan ako ni Duck. Pakiramdam ko kasi - hindi na ako bagay na maging asawa nya. "Don't you ever think for a second na hindi ka deserving to be my wife. Ikaw lang sa buong mundo ang nag-iisang para sa'kin at ang gusto kong makasama habang buhay. Please say yes." Lahat ay nagsisigawan na ng 'yes' ng paulit-ulit. Iyak na lang ako ng iyak.
Hindi na mapigilan ng mga luha ko ang pagpatak kaya naman paulit ulit kong pinupunasan. Pinagmasdan ko silang lahat at lahat sila ay nakatingin sa'kin. Muli ay tumingin ako kay Duck. Ngumiti ako. "Yes!! Yes!!!" Malakas kong sigaw. Mabilis nyang isinuot ang singsing sa daliri ko at hinalikan ako tsaka ako binuhat.
"Cheers everyone!!!" Sigaw nya habang nakahawak sa waist ko. "You have no idea kung paano mo ako pinasaya. I love you so much, Vive." At hinalikan nya ako ulit.
"I love you too, Duck." Ngumiti ako. Masaya naman ako, sa totoo lang sobrang saya ko. Pero parang may part na nalulungkot din ako. Hindi ko alam kung bakit. Pero parang may hindi tama.
Lumapit ang mga kaibigan namin para i-congratulate kami. Ganun na din ang family ko lalo na si papa. "Hindi ko inasahan 'to ah. Ibig sabihin ba iiwanan mo na ang papa?" Naiyak ulit ako dahil kay papa.
"Papa naman. Hindi naman dahil sa engage na ako eh aalis na ako kaagad. Ayaw lang talaga akong pakawalan nitong boyfriend ko." Pagbibiro ko kay papa.
"Fiance! Fiance mo!" Pagtatama nya sa'kin. "Don't worry Mr. Perithon, ako po ang bahala sa anak nyo. Hindi ko po sya pababayaan o sasaktan. Makakaasa po kayong mamahalin ko sya ng buong-buo."
"Alam ko naman yun. Nung mga panahong kailan ng anak ko ng makakasama ikaw ang nandyan para sa kanya. Ipinagkakatiwala ko ang anak ko sa'yo. Ikaw na ang bahala - son." Ngumiti silang dalawa at nagyakap.
"Ang baduy nyong dalawa. Dyan na nga muna kayo." Tumalikod ako para kumuha ng maiinom ng bigla akong nahilo at napahawak sa table kaya lang nabitawan ko ang hawak kong baso.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)
General FictionTucker Fanton's story with a bit of Trav Cai's. The playboy slash cool slash heartthrob will be dumped and challenged by a not so attractive girl from his school. Is this the end of Tucker Fanton's move or the beginning of a new story that he, himse...