FORTY: “HE’S THE ONE AND ONLY TUCKER FANTON”
VINCY’S POV
Nakakainis talaga ang buhay. Di na nga ako kagandahan mas lalo pa akong pinapangit nitong eyebags ko. Paano ba naman kasi napuyat ako kakatitig sa cellphone ko? Kapag umiilaw nagigising ako at chinecheck ko kung si Duck ang nagtext. Kaya lang sa kasamaang palad mukhang kinalimutan na nya ako. Ganito din kasi si Benioff dati. Yung parang bigla na lang naging cold. Mabuti na lang kay Duck wala pang kami. Wala pa akong karapatang awayin sya. Siguro kung magiging ganito kami sa mga susunod na araw magpe-pretend na lang ako na okay lang, na hindi ako umasa, na wala lang sa’kin ang lahat na kahit ang totoo ay ang sakit sakit na. Immune na naman ako sa ganito. Hindi pa kasi ako nadala.
Teka – kung hindi magparamdam si Duck eh ano? Dapat nya pa ring malaman na sinaktan nya ako. Pinaasa at pinaglaruan. Eh ano kung hindi pa kami? Kung makaasta nga sya parang kami na tapos ganun lang ang lahat? Dahil ba wala pang nangyayari sa’min? Wow lang talaga Duck! Kung malalaman mo lang kung gaano ako kahot magsisisi ka.
Nakarating ako sa school na nakashades. Todo tago ng eyebags. Tinalo ko pa nga yung mga namatayan sa pagyuko ko na parang nagluluksa.
“May babae daw umiiyak dun sa open field. Napaglaruan lang daw ng lalaki.” Narinig kong sabi ng babaeng dumaan habang tumatakbo sila ng kasama nya. Syempre alangan namang nagsasalita sya mag-isa habang tumatakbo di ba? Para naman syang baliw nun.
Nakakaloka naman yung babaeng umiiyak na yun. Hindi ba pwedeng paguwi na lang sya umiyak o kaya pumunta sya sa simenteryo at dun sya magsisigaw. Hindi naman magrereklamo ang mga patay. Hindi yung dun pa talaga sa open field. Agaw eksena lang? May audition sa theatre? May camera? Ito namang mga chismosa na ‘to todo takbo pa. Madapa kayo naku laking tuwa ko na lang.
Maya-maya pa ay mas maraming nagtatakbuhan papunta sa open field. Wow, taray ni ate, hakot audience award. Part of me ay sinasabing makiusyoso kaya lang parang kinain ko na rin ang sinabi ko kanina. Iiwas na lang ako at makikibalita na lang sa iba. Sigurado kasi paguusapan yan mamaya sa room at kahit hindi na ako magtanong maririnig ko naman ang pinaguusapan nila.
“Vincy sumama ka sa’min!!” Nagulat ako nang may humablot sa kamay ko at mabilis akong hinila.
“Levz? What’s wrong?” Pagtatanong ko sa kanya.
“May problema Vinz. Si Liit nagiiyak dun sa open field. Sinaktan daw sya ni Trav.” Sabi ni Cherica.
“Oo nga Vinz. Gusto na daw nyang humukay ng sarili nyang libingan dun mismo sa field.” Napatingin si Levz at Cherica kay Amber. “Bakit? Di nya lang magawa kasi wala syang dalang pala.”
BINABASA MO ANG
The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)
General FictionTucker Fanton's story with a bit of Trav Cai's. The playboy slash cool slash heartthrob will be dumped and challenged by a not so attractive girl from his school. Is this the end of Tucker Fanton's move or the beginning of a new story that he, himse...