TWENTY-EIGHT: KISS

42.8K 1.1K 107
                                    

TWENTY-EIGHT: KISS

 

 

VINCY’S POV

 

 

“Vinz!!!!” tawag sa’kin ng mga kaibigan ko habang nandito ako sa may shed kung saan naghihinatay akong matapos ang first class namin.

“Nakagawa kami ng way para maexcuse ka.” Sabi ni Amber.

“Sabi namin may LBM ka. Galing namin no?” sabi naman ni Cherica.

Tipid lang ang ngiti ko. Parang ang sama ng pakiramdam ko.

“So, ano ang surprise ni Tucker sa’yo?” tanong ni Levz.

Tumabi sila sa’kin at mga excited makinig ng kwento. Dapat ipakita ko na lang na masaya ako for Duck kasi magkaibigan kami. “Ayun, pagdating ko dun syempre parang wala lang. Nakita ko sya tapos kasama nyang umuwi yung – yung si Margarette. Yun yung surprise nya.” Biglang napalitan ng pagkashock ang mukha nilang tatlo. “Bakit?”

“Did you just say Margarette?” tanong ni Levz.

“I did. Why?” curious kong tanong. “Obviously she’s the one.” I rolled my eyes.

“Exactly! We didn’t know nagkabalikan sila kasi last time na nagpunta tayo sa house party ni Luke last time eh nag-away pa sila.” Explain ni Amber.

“Bakit parang hindi ko ata matandaan yan?” tanong ko ulit sa kanila.

“Kasi maaga kang umuwi nun. Nabored ka ata nun kaya umuwi ka na.” Sagot ni Cherica sa’kin.

“Oh. So – who’s Margarette?” tanong ko sa kanila at parang walang gustong sumagot sa’kin. “Come on girls, wala sa’kin kahit asawa pa sya ni Duck no.”

“Hind ba nya sinabi sa’yo or nabanggit man lang ang kahit ano about kay Margarette?” tanong ni Amber.

“Nope. Or maybe yes but I couldn’t remember. Naghalo-halo na kasi ang names ng babaeng namention nya sa utak ko. Alam nyo na, minsan hindi ako nakikinig sa kanya.” Then tumawa ako, pero syempre fake lang.

“She Margarette lang naman ang first love nya. Kaya sya naging playboy ay dahil sa kanya.” Nagulat ako sa sinabi nila sa’kin. Hindi ko kasi matandaan kung sinabi na ba ‘to ni Duck sa’kin or hindi pa pero di ko ‘to inaasahan.

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon