FORTY ONE: SHE'S ONE OF THE BOYS

42K 1K 130
                                    

FORTY ONE: SHE’S ONE OF THE BOYS

 

 

SUZIE’S POV

 

 

Nakakatuwa naman at naging part ako ng love proposal ng dati kong crush na si Tucker. Ako kaya? Kailan kaya ako magkakaroon ng love life?

Nagmumuni-muni ako ng matanaw ko si Pudge sa ilalim ng puno. May sinusulat sya kaya naman naisipan ko syang gulatin. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa likuran nya tsaka ko sya ginulat. “Hoy!!!” Tumingin lang sya sa’kin at parang walang nangyari. Ganyan naman yan lagi. “Korni mo talaga.” Umupo ako sa tabihan nya. “Ano naman yang sinusulat mo? Nagaaral ka na ngayon?” Sinisilip ko pero tinatago nya sa’kin. “Damot! Ano ba kasi yan?”

“Wag ka ngang makulit dyan!” Inuusod nya ang ulo ko palayo.

“O sya di wag! Bahala ka na sa buhay mo. Aalis na ako.” Papatayo nya ako nang makita kong inalis nya ang kamay nya sa pagkakatakip sa notebook.

“Ano kasi – ” Napapakamot sya sa ulo nya, “ – sinusulat ko lang yung mga ginawa ni Tucker. Para ano – para may idea na din ako kapag – kapag nagpasagot ng babae.”

“MAY PAPASAGUTIN KANG BABAE?!!” Malakas kong tanong na pareho naming ikinagulat. “Ano – eh di good.” Akala ko pa mandin ako na yung type nya. Pero syempre hindi ko pwedeng ipakita sa kanya na umaasa ako. Akala ko kasi ako na yung nililigawan nya.

“Wag ka na dyang mag-isip. Para sa’yo naman ‘to. Baka kasi ganito yung gusto ng mga babae, kaya ano – gagawin ko din sana.” Nahihiya nyang sabi kaya naman niyakap ko sya bigla. “A – ano – kasi hindi talaga ako magaling sa ganito. Dapat ba yakapin din kita?”

Natawa naman ako kaya napabitaw ako bigla. “Bakit mo naman ako yayakapin eh hindi pa naman tayo?”

“Ah – eh bakit mo ako niyakap? Dapat di mo ginawa yun kasi di pa naman tayo.” Sagot nya.

“Ano? Hinalikan mo nga ako eh ng di pa tayo tapos yakap lang bawal? Wow!!!” Tinulak ko sya pero mabilis naman nyang hinawakan ang kamay ko. “Wag mo kong hawakan! Hindi pa naman tayo!!”

“Dun din naman pupunta yun. Ang liit pala ng kamay mo pero nakulong mo ang puso ko.” Ang korni nya no? Seryoso nya pa yang sinabi. Yan yung banat na di talaga banat. Seryoso lang talaga sya. Di ko tuloy alam kung paano magrereact. “Ay ayoko na nga nito!” Bigla nyang pinunit ang page ng notebook na sinusulatan nya.

“O bakit mo pinunit?” tanong ko sa kanya.

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon