THIRTY SIX: THIS KISS! THIS KISS!

45.3K 1.1K 112
                                    

Please read my new stories tRICky Destiny and Blazing Urge: Love versus Lust. Maraming salamat. :)

THIRTY SIX: THIS KISS! THIS KISS!

 

 

SUZIE’S POV

 

 

Medyo na-bother ako dun sa sinabi ng mga kaibigan ni Vincy about sa syndrome syndrome na yan. Imposible naman kasing nagkakagusto na ako kay Pudge. Siguro hindi lang ako sanay mapalapit sa gwapo at mabait na katulad nya. Oo, inaamin ko na nung una sobra akong naiinis sa kanya kasi araw-araw nya akong kinukulit dun sa shop dahil hindi nya lang matanggap na natalo ko sya. Pero ngayon halos gusto ko na syang araw-araw na nakikita. Normal lang naman yun di ba? Kasi nasanay ako kahit bago ko pa sya makilala ng lubusan. Isa pa, sya din ang tumulong sa’kin sa school. Halos wala nga akong kinakausap dun bukod sa kanya. Dumadating sya kapag kailangan ko sya at hindi nya ako pinapabayaan. Napakabuti nyang kaibigan kaya tama lang na bigyan ko sya ng isang regalo.

Nung nakaraan ko pa kasi ‘to pinagawa at ngayon ko lang kinuha. Nandito ako ngayon sa park hawak-hawak ang paper bag na may laman ng ibibigay ko kay Pudge. May usapan kasi kami ngayon at kinakabahan ako. Baka kasi bigyan nya ng meaning ang pagbibigay ko ng regalo sa kanya. Ugh! Bakit parang ang hirap naman ng lahat. Di ko na alam ang gagawin.

“Uy Medusa!” nagulat ako ng bigla syang nagsalita. “Bakit tulala ka dyan? Okay ka lang ba?”

“Kanina ka pa ba dyan?” tanong ko.

“Hindi naman. Ano tara na?” tumango ako tsaka tumayo. “Alam mo nga pala may bagong bukas na restobar dun sa kabilang street. May shop din sila. Maganda yung place at kakilala ko yung may ari. Ininvite nya nga ako kaya isasama kita.” Mahaba nyang sabi at napangiti lang ako. Naglakad lang kami papunta sa kabilang street na sinasabi nya at hindi pa rin ako nagsasalita. Kinakabahan pa rin kasi ako. “Bakit ang tahimik mo? Masama ba ang pakiramdam mo?” hinipo nya pa ako. “Hindi ka naman mainit. Alam mo kung masama ang pakiramdam mo tsaka na lang tayo pumunta dito. Ihahatid na lang kita pauwi.”

“Naku okay lang ako. Medyo kinakabahan lang.” Nahihiya kong sabi. Hindi ko lang masabi na mas gusto kong magstay kasama sya. Napapraning na ata ako. Ano ba ‘tong mga pinagiisip ko?

“Travis!! Gosh you’re here!!” isang magandang babae na halatang mayaman ang sumalubong at yumakap kay Pudge. “Hindi ka magsisisi na nagpunta ka dito. Are you alone?”

“Kasama ko yung friend ko.” Sabi nya sabay tingin sa’kin. Medyo makirot sa pakiramdam at hindi ko alam kung bakit. Pero parang masakit na sabihin nyang friend lang ako sa harap ng naggagandahang mga babae. Yun naman ang katotohanan pero bakit parang masakit nga? “Si Medusa.” Pakilala nya sa’kin.

“Hello.” Bati ko sa kanila at bumati din sila.

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon