FORTY EIGHT: BRINGING BACK THE MEMORIES WON'T BRING BACK THE FEELINGS

28.4K 848 48
                                    

FORTY EIGHT: BRINGING BACK THE MEMORIES WON'T BRING BACK THE FEELINGS

TUCKER'S POV

Nakatulugan ko na ang paghihintay sa text ni Vive. Paano ba naman hindi ko na alam kung anong nangyari? Ang alam ko lang nagtext na sya na papunta na sya. Hindi naman nya nabanggit kung saan. Siguro ang dami na nung texts sa'kin at missed call. Di bale, lalambingin ko na lang sya mamaya habang nagkukwento sya.

Bumangon ako at dumiretso kuha ng malamig na tubig sa fridge tsaka ko kinuha ang phone ko na chinarge ko magdamag. "Weird, walang text." Siguro nagtatampo 'to dahil hindi ako nakapagreply agad. Tsk! Yan ang hirap kapag may girlfriend na seryoso. Hindi ka lang makapagreply nagagalit. Kapag nagreply ka ng 'okay' nagagalit. Madaming dahilan sila para magalit, pero buti na lang marami din akong dahilan para magpaliwanag. Hahaha. Mahal ko si Vive, kaya ginagawa ko 'to. Ang mga bagay na hindi ko nakasanayan. Sinubukan ko syang tawagan pero out of reach ang phone nya. Baka nalobat sya at pagod na sya kagabi pagdating at hindi nya nacharge ang phone nya kaya di sya nakapagtext. See, kung ganyan ba naman mag-isip ang mga babae eh di sana naiiwasan ang away ng dahil lang sa hindi pagtetext.

Nagshower na ako kaagad at kumain. Pupuntahan ko na lang sya at dadalhan ko ng flowers and snacks para makakain kami habang nagkukwentuhan.

Ilang sandali pa eh nagvibrate ang phone ko at bigla akong kinabahan sa tuwa. Sh*t! Ganito ata kiligin!! "Hey, I do understand that you were tired the whole night and you didn't bother to text. That's totally fine. I understand. So how was your night? Miss me?" Bungad ko sa phone.

"Tucker? Tucker what are you talking about? This is your father." Nagulat ako sa isang malagong na boses. Alam kong hindi kayang gawin ni Vive yun kahit anong pilit nya. Nang tiningnan ko kung sinong natawag bigla akong napakamot sa ulo. Ang kamahalang Fanton pala.

"Hey, pa. What's up?" Pagiiba ko ng topic.

"Hindi ka na ba talaga magbabago? Puro babae na lang ang inaatupag mo! Paano ko ite-turnover ang buong Fanton Industries kung puro ka ganyan!" As usual, sermon na naman.

"This is me! The one and only Tucker Fanton." I smirked. "Ano bang kailangan nyo at napatawag kayo? Nagsasayang kayo ng precious minute para sa walang kwentang anak na tulad ko. Nakakapanibago lang." Oo isang lihim ang ganitong tension sa pagitan naming magtatay. Kapag maraming tao, isa syang mabait at kunyari eh responsible na father sa'kin. Ipinapahawak nya sa'kin ang maliliit na negosyo na hindi man lang kabawasan sa kayamanan nya kahit malugi.

"Hindi ako tatawag kung hindi importante! Your mom mentioned about the girl you're dating! I'm warning you! Kung saang club mo yan nakuha wag na wag mo yang dadalhin sa foundation night! Ayokong mapahiya sa buong corporation!" Sa tono ng pagsasalita nya seryoso sya sa sinasabi nya.

"Pa, oo g*go ako dati pero 'tong babaeng sinasabi nyo, sya lang naman ang nagpabago sa'kin. Sya nga lang ang nagbigay ng attention sa'kin kahit na wala akong kwenta! Nagtyaga sya sa'kin kahit na puro kalokohan at pambabastos lang ang alam ko. Kung papipiliin nga ako kung ikaw o sya, baka hindi mo magustuhan ang isagot ko. Kung hindi ko sya isasama, pwes wag nyo na rin akong asahan sa foundation night na yan. Magpaplastikan lang naman kayo para sa paglago ng negosyo!" Naiinsi kong sagot sa kanya.

"Tucker Fanton!! Subukan mong suwayin ako!!" He warned me.

"And what? Tatanggalan nyo ako ng mana? Go ahead pa, yan lang naman ang panakot nyo!! Siguro nga mas mabuting hindi nyo ako pamanahan. Kasi ang iniisip nyo lang naman eh baka waldasin ko ang perang pinaghirapan nyon!! So inyo na yan! Dalhin nyo sa kabilang buhay!!!" Galit kong sabi sa kanya.

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon