ONE: OH MY PIE!

354K 3.4K 300
                                    

ONE: Oh My Pie!

TUCKER'S POV

"Ate yung favorite kong pie." Hindi alam ng marami meron akong paboritong pie at dito lang sa cafeteria ng school yun nakikita. Sobrang haba ng pila, pero dahil nga may paraan si Tucker Fanton no need nang pumila. Lumingon ako sa pila at ngumiti.

"Ahhhhhhhhhhhhhh!" sigaw ng mga babae.

Hala nakakatakot namang lumingon, baka kung ano pang gulo ang mangyari dito. Ang tagal naman kasi ni ate eh. Natatakam na ko sa pie na yun.

"Ay naku lover boy nawala yung nireserve ko para sa'yo. Nag-iisa na lang kasi yun. Hindi ako nakagawa kagabi dahil ang dami kong tinapos." Paliwanag ni ateng nagma-manage sa cafeteria. Medyo hindi ko pa matanggap na wala na yung pie. Kasi kaninag umaga nagke-crave na ko dun. Daig ko pa nga ang naglilihi eh.

"Baka naman po namisplace nyo lang. Please pakihanap po. Mamamatay po ako kapag hindi ko yun nakain." Syempre joke ko lang yun. Pero for sure mababadtrip ako kapag hindi ko yun nakain. Ayoko ng ganung pakiramdam.

"Mga hindi kasi kayo nagtatanong!!!" narinig kong sigaw ni ate sa mga crews nya bago sya lumapit sa'kin. "Nabili na daw nung babae dun sa dulong table yung pie mo. Sorry ha." Tumingin ako sa direction na tinuro ni ate at nakakita ako ng isang grupo ng mga babae.

"Okay lang po. Thank you." Umalis na ko para puntahan yung bumili ng pie ko. Sa'kin lang ang pie ko!

"Hindi ka na ba bibili?" pahabol na tanong ni ate.

"Hindi na po." Habang papalapit ako inayos ko muna ang sarili ko. Syempre, the moves ko na naman. "Hi girls." Lahat sila napatingin sa'kin. "Pwede ba kong makiupo?" Nakatulala lang sila kaya naman uupo na sana ako.

"Hindi pwede. Puno na kami." Sabi ng isang babaeng hindi naman kagandahan kaya hindi ko na sya pinansin at umupo na lang ako. "Sabi na ngang puno na kami. Hello, puro girls kami dito oh."

"I am not talking to you!" bulong ko sa kanya. Hindi pa rin nagsasalita ang mga kasama nya kaya naman isa-isa kong tiningnan ang mga foods sa table. "Can I have that pie?" tanong ko sa isang magandang babae na nasa harapan ko. Brown eyes at brown hair tapos maputi. Type ko na sya kung ibibigay nya ang pie sa'kin.

"No problem. Yan lang ba ang gusto mo?" Uh-oh, heto na nga. Nilalandi na nya ako.

"Thank you." Naglean ako ng konti sa table tsaka ko sya hinawakan sa chin. "Your name too." Para syang mahihimatay sa sinabi ko pero bago ko pa makalimutan tiningnan ko na ang pie ko pero – "NASAN NA YUNG PIE KO!!!" tiningnan ko silang lahat at nakita ko ang panget na babae na hawak-hawak ang pie ko. "Hoy sa'kin yan!"

"Wow, ang kapal lang ha. Nakiupo na nga nakikihingi pa ng pagkain! Hoy lalaking espasol ang mukha for your information sa'kin 'tong pie na 'to. Kung gusto mo bumili ka dun!!" hihiwain na nya yung pie pero napigilan ko yung kamay nya.

"Kalahati. Kahit kalahati lang." Grabe hindi ko alam pero gusto ko talaga 'tong pie na 'to.

"You wish." Inalis nya yung kamay ko at hinati yung pie. I need to relax. Isang pacute lang 'to.

"You know, ang ganda ng mata mo. Pero mas maganda ang mga mata ko kasi ikaw na ang nakikita ko." Seryoso kong sabi sa kanya habang nakatitig sa kanya. Medyo tulala sya habang nasa bibig nya yung fork dahil kakasubo nya lang ng pie. Effective na. Dahan-dahan kong ginagapang ang kamay ko sa table para sungkitin yung pie.

*PAK

Hinampas nya ang kamay ko at inilayo ang pie sa'kin. Never in my life pa nangyari sa akin 'to. Now this is not about the pie anymore. Tinapakan na nya ang ego ko at sinira pa ang reputation ko. I will get my pie and her at the same time.

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon