SIXTEEN: I HATE YOU NOT

53.8K 1.1K 102
                                    

SIXTEEN: I HATE YOU NOT


VIENNA'S POV



"What is he doing in Stanford?" tanong ko sa mga kaibigan ko dito sa loob ng restroom.

"Ma. Malay ko. Kahit ako nagulat. Sa sobrang gulat ko gusto ko syang suntukin sa mukha." Galit na sabi ni Amber.

"The nerve na magpakita sa'yo after ng ginawa nya? Wow lang sobrang kapal. Feeling ko nga abot dito yung kakapalan ng mukha nya oh." Nakahawak si Levzkane sa cheek nya na parang may imaginary na itinutulak palayo.

"Girls relax." Pagpapakalma ni Cherica. "Vinz, you need to take a lot of care. Stay away from Benioff. We don't know kung nakamove on ka na or what but please, wag kang magpapadala sa mga paglalandi ni Benioff okay?"

"Duh! Hindi na mauulit ang katangahan kong yun. Isa pa – isa pa hindi na ko maapektuhan ng kahit anong kalandiang gagawin nya. Nung nakita ko sya kanina ewwwww hindi ko akalaing minsan akong naging patay na patay sa kanya. Kasi ngayon – kasi ngayon ang gusto ko lang gawin eh patayin sya." Nagmadali akong buksan ang pintuan ng restroom pero nahawakan agad ako nung tatlo.

Isinara ulit nila ang pintuan at pinakalma ako. "Vincy, baka nakakalimutan mo hindi na ikaw ang Vincy na iniwanan nya. Alam mo naman kung anong transformation ang ginawa sa'yo ni Tucker. At sigurado ako sa itsura mo ngayon maglalaway yang si Benioff. Kaya wag kang magpadalos-dalos."

Naisip kong may point nga ang mga kaibigan ko. Hindi ako dapat magpadala sa galit ko. Alam kong sinaktan nya ko ng sobra-sobra na parang wala lang sa kanya. Hindi na ako ang Vincy na yun. Iba na ko ngayon. Tumingin ako sa watch ko. "Sorry girls but I gotta go. May practice kami ngayon ni Duck."

"Practice ng?" nagtinginan silang tatlo.

"Levz, pinapractice ba ang make out?" seryosong tanong ni Amber kay Levz.

"Oh my gosh girls!!!!! Anong make out ang sinasabi nyo! Gosh I can't believe you're my friends. Tuturuan ko sya okay?" I said exasperatedly.

Napatakip sa bibig nya si Cherica at iba na ang tingin sa'kin. "Ikaw pa ang magtuturo?"

"Are we really talking about this? I mean really? Hello, para yung sa festival at dapat makatapos na kami – ng sayaw! My goodness. Ang dudumi ng utak nyo." I shook my head as I reached the door knob and open the door.

"Well, ikaw lang naman ang walang ibang iniisip kapag katabi mo na ang hot na si Tucker Fanton." Pahabol ni Levz.

"I don't wanna talk about him. Yeah he's hot pero hanggang dun na lang yun. We're not going to make out. That won't happen, never. Okay?" sabi ko sa kanila habang nauuna akong maglakad.

"Finally, a compliment from the dangerous Vincy." Napatigil ako ng marinig ko ang boses ni duck kaya naman lumingon agad ako sa likuran. "Very hot huh."

"Excuse me, I didn't say very. You're freaking crazy! And eavesdropping is not a good manner, in case you wanna know." Sabi ko habang nasa bewang ang dalawa kong kamay.

"I wasn't. I was about to call you but then I heard my name. Talking about someone about something is not a good manner either." I opened my mouth and about to say something but then I realized this conversation won't go anywhere.

"I think Vincy we need to go since nandito na naman si Tucker. He'll take care of you." Sabi ni Levz tsaka sila nagpacute kay Tucker.

"Ikaw na ang bahala kay Vinz okay?" sabi ni Amber na nakakapit pa sa braso ni duck. Ibenta ko kaya 'tonng si duck sa mga kaibigan ko. For sure pagkakaperahan ko pa sya.

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon