FORTY THREE: THREE POINTS!

39.5K 988 72
                                    

FORTY THREE: THREE POINTS!

 

 

VINCY’S POV

 

 

“ANO? LAHAT ‘TO? KAHIT ATA ISANG GABI HINDI KO ‘TO MATATAPOS BASAHIN!! AYOKO!!” Ibinalik sa’kin ni Duck ang listahan ko.

“OA mo naman. Ayan kasi yung original. Napili ko na dyan yung mga ipapagawa ko sa’yo. I mean yung mga gusto kong gawin mo para sa’kin. Konti lang yun. Kumbaga yun na yung pinakahighlight. At kung mahal mo talaga ako gagawin mo yun kasi yun ang magpapasaya sa’kin.” Sagot ko sa kanya habang itinatago ang isang notebook na listahan ko. Well yun eh mga naipon naman simula nung naghiwalay kami ni Benioff and that was – I can’t even remember.

“Kung mahal mo talaga ako hindi mo ako pagagawin ng mga bagay na labag sa loob ko. Kaya ko namang gumawa ng makakapagpasaya sa’yo sa sarili kong paraan.” Aba’t sumasagot pa talaga ‘tong Duck na ‘to. “Isinuot ko na nga ‘tong couple shirt na ‘to para sa’yo.”

“Isinuot mo nga natatakpan naman ng leather jacket, useless din.” I rolled my eyes at ipinagpatuloy na lang ang pagkain. Nandito kasi kami sa resto bar. Masarap kasi ang pagkain dito.

“I need to wear this jacket and you know that. Pagtatalunan pa ba natin ‘to?” Hindi talaga sya nagpapatalo sa’kin.

“Duh! Wala naman akong ibang sinabi ah.” Maya-maya pa ay tumugtog na ang banda at kinanta nila ang kanta ng The Fray na ‘Why’. “Oh my gosh The Fray! From their Scars and Stories Album!”

“I didn’t know na gusto mo ang The Fray!” Sabi ni Duck habang nakikinig din sa nakantang banda.

“Kasi nandun palang tayo sa ‘getting to know each other’. Marami ka pang malalaman sa’kin at ako rin sa’yo.” Ngumiti ako. Paborito ko kasi talaga silang banda. Feeling ko in love ako kahit dati kahit hindi basta marinig ko lang ang kanta nila. “Uy Duck, magbigay ka naman ng request song and dedication dun sa taas. Request ka ng song mo for me tapos lagyan mo ng note ‘to my sweet and beautiful girlfriend Vincy, I love you so much’ tapos patayuin mo ako. Sige na.” Inilabas ko ang revised list ko. “Ayan oh, number two yan sa list ko. Sige na Duck.”

“Ayoko nga. Napakabaduy naman nun.” Sumimangot ako sa sinabi nya.

“Hindi mo kasi naiintindihan ang babae. Bahala ka na nga!” Hindi na ulit ako nagsalita. Nakakainis. Boring naman maging boyfriend nitong si Duck. Nakakapagsisi. Kapag ako talaga nabored ng todo iiwanan ko ‘to. Pero syempre after na naming gawin yung alam nyo na. Hahahaha. Shhhhhh! Kayo lang ang nakakaalam ng plano ko.

“I need to wash my hands. Amoy ulam na kasi. I’ll be back.” Tumayo sya at di ko sya pinansin. Kakain na lang ako bahala na sya. Magselfie na lang din ako while wearing this shirt. Cute kaya ng color. Nakakabata. Habang tinitingnan ko ang pictures ko napansin ko ang magjowa sa likuran ko. Photobomber pa ha. Tiningnan ko sila at ang sweet nilang dalawa. Tss! Saan pa’t magaaway din yan mamaya bago matapos kumain.

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon