TWENTY-SEVEN: "SURPRISED"

40.2K 997 68
                                    

TWENTY-SEVEN: “SURPRISED”

 

 

VINCY’S POV

 

 

“Buti nga sa’yo. Wala na ang precious bag mo.” Tumatawang sabi ni Yvonne. Best way to start my day, right. “Kaso nakapagpromise si tito sa’kin last time na ako naman ang ihahanap nya ng ganyang bag. Sorry Vincy. Mainggit ka na lang.”

“Whatever! Nakakahiya naman sa’yo. Ikaw kasi ang tunay na anak!” sabi ko while having breakfast.

“Vincy!” pag-awat sa’kin ng magaling kong step mom.

“What?” I rolled my eyes.

“Naipangako ng papa mo kay Yvonne ang bag na yan. Wag mong bigyan ng masamang ibig sabihin. Hindi pa naman sigurado yun dahil mahirap mahanap ang ganyang bag. Isa lang o dalawa ang nirerelease nila every year at pataasan ng bayad ang mga interesado. You had your bag pero di mo iningatan.” Yeah, right. Ang magaling kong step mom. As usual, kakampihan nya ang anak nya.

“Mom, wag mo namang kontrahin yung prayers ko! Naipagkalat ko na yung bag kaya umaasa na sila.” Maganda talagang panoorin kapag ang magnanay na ‘to ang nagaaway. “Marami naman akong pinaglumaang bag dyan. Mas bagay yun kay Vincy.”

“No thanks. Mas gusto ko pang magbag ng garbage bag kaysa gamitin ang mga bags mo!” sagot ko sa kanya. “On the second thought, galing pala lahat yan sa papa ko, baka nakakalimutan mo!”

“Whatever! Ganyan talaga ang nagagawa ng inggit.” Sagot nya.

“Ako pa ba?” tumatawa kong sabi. Tumayo ako at kinuha ko ang gamit ko.

“Wait, natawag si Friedrich.” Sabi ni tita Rita. Sinagot nya ang phone.

“Mom ask him about my bag.” Bulong ni Yvonne. Tumingin sya sa’kin na parang nagsasabing ‘mamatay ka sa inggit’ kaya lang hindi effective sa’kin. I just smiled.

“Aalis na ko.” Paalam ko sa kanila.

Papalabas na ako ng bahay ng marinig kong sumisigaw si Yvonne kaya naman bumalik ako sa dining room. “What? No!!!”

“Enough Yvonne!!” pagsaway ng mommy nya. “Sorry honey. It’s alright, kahit anong bag naman okay lang kay Yvonne. Next year na lang ulit. Hindi naman pwedeng magaksaya ka ng pera para lang sa bag na yun.”

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon