FIFTEEN: IS IT THE END OF THE WORLD?
VIENNA’S POV
Grabe naman late na ko para sa klase ko. Antok na antok pa ko. Paano naman kasi daming tao kagabi sa Oquenin. Di ako agad makauwi. Nakakainis lang kulang pa rin yung kinita ko para makabayad ng tuition. Mukha na naman akong bangag. Mabuti na lang maganda na buhok ko ngayon. Kahit di mo suklayin maganda pa rin ang bagsak.
Naku naman sobrang late na talaga ako. Terror pa mandin ang professor namin. Pagdating ko sa room dahan-dahan kong binuksan ng walang ingay ang pintuan.
“Miss Perithon, why are you late?” sinubukan ko talagang buksan ang pinto ng walang ingay. Pero wala eh, malakas talaga ang pandinig ng professor naming.
Tumigil ako sa paglakad. “Sorry po, may emergency lang. Hindi na po mauulit.”
“At ayoko na talaga ‘tong maulit. Sige, take your seat.” Utos nya.
“Thank you po.” Umupo ako sa bakanteng seat na malapit kay – Duck. Kapag minamalas ka nga naman. Well, friends na nga kami ngayon pero di ko pa rin maiwasang mainis sa hindi ko malamang dahilan.
“Miss Perithon where’s your reaction paper?” halos lahat biglang nagtinginan sa’kin. “Naipasa na nilang lahat ang sa kanila at yung sa’yo na lang ang wala. Alam mo naman kung gaano ako kastrikto when it comes to your assignment.” Gusto kong lumubog sa kinauupuan ko as in ngayon na. Dahil sa sobrang puyat ko at umaga na ko nakauwi hindi ko nagawa yung reaction paper. Sinabi ko pa mandin sa sarili ko na makalimutan ko na lahat ng asssignments wag lang ang reaction paper ko. “Hand me your reaction paper, now!”
“Ah – o – opo. Sa – sandali lang po.” Kunyari tumingin pa ko sa bag ko at inisa-isa ko pa lahat ng gamit ko. “Uhm hahanapin ko lang po. Pwede na po kayong magklase.”
“I want your reaction paper now. We have discussed some of your classmates’ work and I want to read yours.” Sa tono ng pagsasalita nya hindi sya nagbibiro.
Bakit ba lahat sila nakatingin sa’kin? Nakakatakot pa ang tingin ng professor naming. Sasabihin ko na lang na naiwanan ko.
“You know I don’t accept late papers. That’s automatically zero.” She made it clear.
Wala na kong choice. Sasabihin ko na talaga. “Ah – kasi po – “
“Ikaw talaga honey, nakalimutan mong ipinatago mo sa’kin yung reaction paper mo.” Napatingin ako kay Duck. “Ito oh.” May hawak syang folder at inilagay nya sa desk ko. “Lagyan mo na lang ng name.” bulong nya sa’kin.
Hindi ko alam ang gagawin ko pero tumingin sya folder then sa professor namin. “Sorry honey nakalimutan ko kasi. Thank you so much.” Kinuha ko ang ballpen ko at sinulatan ko ng name. Tumayo ako at iniabot ko kay prof. Sakto namang time na.
“We’ll discuss this some other time. Don’t forget your assignment. Goodbye.” Tumayo sya at lumabas ng room habang ako eh nanginginig ang mga tuhod at natumba na – sana kaya lang nasalo ako ni espasol. Puti na naman ng mukha ha.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)
General FictionTucker Fanton's story with a bit of Trav Cai's. The playboy slash cool slash heartthrob will be dumped and challenged by a not so attractive girl from his school. Is this the end of Tucker Fanton's move or the beginning of a new story that he, himse...