21: GETTING BETTER OR GETTING WORSE?

46.8K 1.1K 127
                                    

21: GETTING BETTER OR GETTING WORSE?

SUZIE'S POV

"Babaeng walang kaibigan!" sigaw ng isang walang kwentang lalaki na kanina pa sumusunod sa'kin.

"For your information marami akong kaibigan!!!!" sagot ko sa kanya habang nagmamadaling maglakad.

"O? Nasaan? Kasi wala akong makita!" grrrrr lalaking madaldal. Nakakasusot.

"Nasa shop silang lahat!" sagot ko.

"Ah oo. Yung mga brusko dun! Mga kasing macho mo!" tapos tumawa sya, na parang bading.

"Kesa naman sa mukhang bading." sagot ko sa kanya. "Weak kasi."

"Sya laban na lang. 1v1, kung sinong matalo magbabayad ng pc at manlilibre ng miryenda." seryosong sabi nya.

"Style mo bulok!! Gusto mo lang akong makasama eh!" pang-aasar ko sa kanya. Tumigil ako sa may sakayan para mag-abang ng jeep.

"Asa ka pa. Aminin mo na lang kasing takot ka, weak. Nakatsamba ka lang nun kaya ka nanalo. Weak weak weak weak. Takot takot takot takot." paulit-ulit nyang kinakanta ang mga yun. Ang sakit sa tenga.

"Sige! Ang matalo syang magbabayad ng pc, magpapamiryenda at manlilibre ng pamasahe!!!" pagpayag ko sa kanya. Wala naman akong pera para sa ganitong pustahan pero alam ko namang mananalo ako.

"Wow, brave ka na ngayon ah. Alright! Dun tayo sa Autumn Shop!" napa-wow lang ako sa sinabi nya. Sobrang mahal dun. Baon ko na sa isang araw ang minimum dun kapag di ka member. Siguro dun nya pinili kasi member sya dun at alam nyang magbabayad sya.

"Anywhere gaylord." sabi ko sa kanya.

"Don't fall in love with me after, bulilit!" sabi nya at naglakad na sya pabalik. "May shortcut dito papuntang Autumn." at sinundan ko sya.

Naglalakad kami at parang kinakabahan ako. Kumokonti ang tao at tumatahimik ang lugar. Para na kong napapraning. Paano kung kunyari sa Autumn kami pupunta pero - pero gagahasain nya lang pala ako. Oh my gosh, ayoko pa manding maranasan ang first time ko sa madamong lugar at mabaho at -

*TUGSH

"Woah, you look tensed! Are you alright?" tanong ni creep Trav.

"Wag - wag kang lalapit. Si - sigaw ako!" dahan-dahan akong umaatras pero lumalapit sya.

"Booo!" mahina nyang sabi at napapikit ako. Narinig ko syang tumawa ng tumawa. "Tumabi ka kaya. Hinaharangan mo yung entrance ng Autumn." Tuloy pa din sya sa pagtawa. "Anong feeling mo? Gagahasain kita? Ikaw?" tawa pa rin sya ng tawa kaya naman sinuntok ko sya sa balikat.

"Kahit sino naman matatakot sa'yo Pudge!!!!" Oo, tinawag ko syang Pudge kasi kamukha nya si Pudge ng dota.

"Woah, Pudge talaga? Na-hook ka sa'kin no?" tumatawa pa pa sya. Grrrrrrrr. Ang galing nya talagang mang-asar.

"Ha-ha-ha. Feeling mo! Sinusundan ka kasi ng mga langaw sa baho mo!!" I rolled my eyes.

"Okay Medusa!" sabi nya habang pumapasok sa entrance ng shop

"Medusa, kasi ang panget ko? Yeah right! Wala ka ng maisip!" papantuy talaga 'tong Pudge na 'to.

Bigla syang tumigil at humarap sa'kin. "Kasi naninigas ako sa mga titig mo. " then he winked. "Stone gaze!"

Hindi ako agad nakakilos sa sinabi nya. I mean di ko expected. Di ko mapigilang mapangiti nang tumalikod sya. Pero syempre pakipot ako. "Asa ka namang tinititigan kita." Sabi ko sa kanya at sumunod ako sa kanya sa counter.

"Dalawa dude. Dota." Sabi nya sa attendant.

"Natuloy na din? Wow congrats!" at nagappear sila. "Dun sa pwesto, alam mo na." Inabutan sya ng numbers at sumunod na ako sa kanya.

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon