EPILOGUE
2 years later...
TUCKER'S POV
"Vienna! Vienna come here!" Napakakulit talaga nitong batang 'to. "Nandyan na si papa."
"Ahhh! No papa!!" tumakbo nga ang bata.
"No baby don't run!!" Papalapit ako sa kanya ng bigla syang madapa. "I told you not to run. Come here." Binuhat ko sya. "Papa will kiss it." Hinalikan ko ang tuhod nya.
"Yey!!" At ngumiti na sya ulit. Napamasayahin nitong baby ko. Manang mana sa mommy nya.
"Mommy's waiting for us na." Sabi ko sa kanya at naglakad na kami papunta kay Vive.
Ibinaba ko sya at nanakbo sya ulit. "Hello mommy!!" masaya nyang bati. "Mommy, wake up!!"
"Baby, ginugulo mo na naman si mommy." Umupo ako sa tabi ng anak ko at ipinatong ko ang mga bulaklak. "Ang kulit ng baby natin. Manang-mana sa'yo."
"Mommy, where are you?" tanong ni Vienna.
"I told you mommy's in heaven na watching us. Kaya be a good girl always okay?" hinalikan ko si Vienna sa ulo. "Sayang wala ka dito para icelebrate ang birthday ng anak natin."
"Appy birtay to me. Appy birtay to me!" Kanta nya habang napalakpak.
"Ang saya nya no? Nadapa na yan kanina. Mahilig din sumayaw ang baby natin. Manang-mana sa'yo." Hindi ko pa rin makalimutan ang huling itsura ni Vive mula sa ospital. Ilang oras matapos ang ilabas ang baby ko ilang minuto lang din ang itinagal nya. Hindi man lang nya nasilayan ang anak namin. "Alam mo Vive, two years na pero hanggang ngayon pinapaiyak mo pa rin ako. Napakadaya mo talaga. Ako na lang ang lagi mong pinapaiyak."
"Crying papa. Crying papa." Sabi ni Vienna habang pinupunasan ang mga luha ko.
"I'm crying because I love your mommy so much." Niyakap ko si Vienna.
"I love you mommy! I love you papa!" Yumakap sa'kin si Vienna at mas lalo akong naiyak.
"Hindi kita kayang kalimutan. Ayoko kitang kalimutan. Mahal na mahal kita. I promise to be a good father to our baby. Sana maging masaya ka dyan." Pumikit ako ng may malamig na hangin na dumaan.
Let go of me.
Mabilis akong napadilat ng parang narinig ko si Vive. "Vive? Vive?"
"Mommy!!" Tiningnan ko si Vienna at nakita kong nakaway sya pero wala naman syang kinakawayan. "Bye mommy!! We love you!!"
Nakikaway ako sa kung saan nakatingin si Vienna. "I love you, Vive!! I love you so much!!! I am letting you go!!!" Pinapakawalan na kita. Alam kong hindi ka rin matatahimik kung hindi mo ako makikitang okay. Kahit na masakit pa rin, gagawin ko dahil yun ang gusto nya.
"Lolo!!!" mabilis humiwalay sa'kin si Vienna at nanakbo ulit. Tumingin ako sa likuran ko at nakita ko sila Suzie at ang family nya.
"Vienna, don't run! Magagalit si mommy sa'yo nyan." Sabi ko sa kanya tsaka ako tumayo para bumati sa papa ni Vive.
"Talagang lagi kayong nauuna dito ah." Sabi ng papa nya.
"Lolo, I saw mommy. She was smiling at me and she said goodbye." Napatingin sa'kin si tito.
"Nagpaalam na po sya sa'min so ganun din po ang ginawa ko. But it doesn't mean na kakalimutan ko na sya." Sagot ko kay tito.
Nagpray kami sandali at ibinaba nila ang mga dala nilang flowers and candles. "Tita Suzie, what's inside your tummy? Why is it so big?" tanong ni Vienna habang hinahawakan ang tyan ni Suzie.
"Baby din ang laman nito Vienna. Magkakaron ka na ng playmate pag lumabas 'to." Sagot nya.
"Teka Medusa, di pa nga tayo sure kung babae or lalaki yan playmate kaagad?" Natawa naman ako dito kay Trav na kahit minsan ay hindi iniwan si Suzie. Nagkasal sila after magbabang luksa ni Vive.
"Dude, baka sumabay pa yank ay Jezhi ah. Pabalik na daw yung dalawa ni Val from Paris. Mga gamit daw kasi dun ang pinaglilihihan ni Jezhi." Sabi ko kay Trav. "Sa first birthday daw ng twins ni Zak darating yung dalawa."
"Akalain mo nakadalawa kaagad si Zak. Sana naman wag babae ang anak ko." Kinurot sya ni Suzie. "I mean wag babae ang panganay. Kasi naman lahi ng SG magiging babae ang una. Baka madaliin kitang sundan yan."
"Ay naku sige maglandian pa kayo sa harapan ko." Tiningnan ko si Vienna at naglalaro sya mag-isa na parang may hinahabol. "Baby, let's go home." Nakita namin sya na may kinakawayan habang papalapit sa'min. "Dude sunod kayo para sa birthday party ng prinsesa ko."
Hindi mo masasabi kung hanggang kailan ang buhay. Ganun din ang pagmamahal mo sa isang tao. Hindi dahil wala na sya, ibig sabihin ay titigil ka na sa pagmamahal sa kanya. Ang tanging bagay sa mundo na walang pinipiling lugar o panahon ay ang pagmamahal. Kahit nasaan ka man, buhay man o hindi ay napagkokonekta nito kahit gaano pa katagal kahit hanggang sa magkita ulit kayo sa hinaharap.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)
General FictionTucker Fanton's story with a bit of Trav Cai's. The playboy slash cool slash heartthrob will be dumped and challenged by a not so attractive girl from his school. Is this the end of Tucker Fanton's move or the beginning of a new story that he, himse...