THIRTY ONE: EVERYTHING'S FAKE!

39.4K 1K 43
                                    

Hey everyone! Please also read my new story tRICky Destiny. :) Thanks!

THIRTY ONE: EVERYTHING’S FAKE!

 

 

VINCY’S POV

 

 

“Sana magustuhan ‘to ng mga friends mo. Hindi ako kagalingang magluto pero ginawa ko ‘to para sa kanila.” Dala-dala ni Suzie ang ginawa nyang cookies para sa mga kaibigan ko.

“Bakit hindi ikaw mismo ang magbigay sa kanila?” Biglang nagbago ang expression nya. Parang natakot na hindi ko maintindihan. Hinawakan ko sya sa braso. “Don’t worry, they don’t bite. Mababait ang mga yun. Hindi sila katulad ng mga nambubully sa’yo dito. At kapag binully ka nila sabihin mo agad sa’kin. Ako ang bahala sa’yo.”

Ngumiti sya at parang nagkaroon ng lakas ng loob. “Salamat. Hindi lang talaga ako sanay makipag-usap sa mga mayayaman. Pakiramdam ko kasi ang liit-liit ko.” Tiningnan ko sya. “Hindi literal na maliit. Yung parang ang dumi ko, ang panget ko, para akong katulong – ”

“I know what you mean. I’ve been there. But trust me, hindi sila ganun. Kung makikita mo lang ako dati, naku mukha akong – wala akong itsura. Yung mga kaibigan ko todo bigay yun sa’kin ng mga pampaganda na hindi ko ginagamit.” Explain ko sa kanya.

“Pero kung wala kang itsura dati bakit ang ganda mo na ngayon?” tanong nya habang tinititigan ako.

“Ah – itong new look ko ba? Dahil ‘to kay Duck. Pinagtanggol nya ako sa mga nambully sa’kin tapos pinaganda ako.” Napapangiti ako kapag naaalala ko. “Ayun, di ko nga inaakalang magiging good friends kami.”

“Good friends lang ba talaga?” tanong nya at napatingin ako sa kanya.

“Pati ba naman ikaw? Alam mo hindi ko na kailangang magpaliwanag kasi wala naman akong ipapaliwanag. Hanggang dun lang talaga kami. Kung may something sa inyo ni Trav, sa’min ni Duck wala.” At tipid akong ngumiti.

“Alam mo wala din naman something sa’min. Marami lang kaming bagay na napagkakasunduan. Isa pa sya lang yung una kong naging kaibigan sa school. Well, hindi talaga kaibigan kasi nasa shop palang ako nandun na sya at nang-aasar. Di kami magkasundo dati, pero okay na kami ngayon.” Napangiti sya ulit.

“Ayokong magsalita ng kahit ano kasi ayokong ganun din ang gawin mo sa’kin pero sa tingin ko – alam mo na siguro yun. Hindi ko na kailangang sabihin.” Ngumiti ako at naramdaman kong nagvibrate ang phone ko. “Nagtext si Levz, nandun daw sila sa cafeteria. Sinabi kong pupunta ka dun at maging mabait sila sa’yo.”

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon