FIFTY FOUR: PAID OFF!

25.2K 866 48
                                    

FIFTY FOUR: PAID OFF!

 

 

 

VINCY'S POV

 

 

Para maibalik sa normal ang buhay ko, dapat lang na simulan ko sa pagtama ng mga bagay-bagay. Alam kong nagtataka ang mga tao sa paligid ko sa kung anong pinagkakaabalahan ko. Syempre hindi ko naman sinasabi sa kanila dahil alam kong pipigilan nila ako.

Bago ko puntahan ang next target ko merong isang taong gustong makipagkita sa'kin. "Maraming salamat sa pagdating."

"Wag mo akong pasalamatan dahil wala naman akong gagawin  para makalabas ang anak mo. Ngayon kung anong sasabihin mo sabihin mo na dahil may gagawin pa ako." Nagkita kami ng dati kong step mom dito sa isang resto.

"Please Vincy, alam kong malaki ang galit mo sa'kin pero maniwala ka itinuring kitang tunay kong anak." May paghawak pa sya sa kamay ko.

"O tapos?" Hinigit ko ang pagkakahawak nya sa kamay ko.

"Walang kasalanan si Yvonne. Biktima rin sya dito." Nagsimula na syang umiyak. "Alam kong pinagbalakan ka nya ng masama pero isa rin sya sa mga nabiktima."

"So sino ngayon ang magbabayad sa nangyari sa'kin kung hindi si Yvonne?" Tinitigan ko sya. "Unless gusto mong palitan sya sa loob. Oh wait, marami nga pala akong pwedeng ikaso sa'yo since pinagta-trabaho mo na ako simula matandaan ko ang lahat. Napakasaya sigurong reunion ng magnanay sa loob ng kulungan." Kinuha ko ang bag ko. "Kung wala ka ng sasabihin aalis na ako."

"Masyado ka ng matigas. Hindi na ikaw ang batang pinalaki ko." Tinitigan ko sya ng masama.

"Kayo ang may kasalanan kung bakit ganito ako katigas." Tumalikod ako at umalis. Pinipigilan ko ang sarili ko na masaktan ko sya dahil gumagalang pa rin ako sa matanda. Tamang-tama lang ang galit na nararamdaman ko ngayon para sa isang taong gusto kong makita.

Dumating ako sa park at nandun na sya. "Hey,  medyo na-late ako dahil may dinaanan pa ako. Kanina ka pa ba?" Masaya kong bati sa kanya.

"Kadarating ko lang din. I'm so happy to see you." Niyakap pa nya ako. "Nagulat talaga ako ng tinawagan mo ako para makipagkita."

"Ako rin eh. Na-realize ko namiss kita. Gusto mo bang magcoffee?" offer ko sa kanya.

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon