FIVE: TRY ME! NO, TRY ME!

72.1K 1.4K 78
                                    

FIVE: TRY ME! NO, TRY ME!

VIENNA'S POV

"Hoy babae kung saan-saan ka na naman pupunta. Hindi ka na matigil dito sa bahay. Kaya kapag hinanap ka ng papa mo hindi ko alam kung anong isasagot ko!!" agang-aga eh nagsesermon na ang magaling kong step mom.

"Mommy pabayaan mo na sya. Wala naman kasing magkakainteres dyan sa labas kaya hindi yan madidisgrasya unlike me." Oh right, meron din akong step sister. Kung iisipin nyong parang ako si Cinderella well mali kayo. Hindi naman ako nagpapaalipin sa kanila. Mukha nila.

"Sasabihin ko sa papa mo na hindi ka na gumagawa sa bahay at wala ka nang naitutulong!! Sobrang sakit mo sa ulo!!!" paanong hindi sasakit ang ulo nya eh ang daming nakalagay na rollers. Subukan nya kayang alisin.

"Nakakahiya naman sa kapal ng mukha nyo. Yung allowance ko ba binibigay nyo ng buo? Eh di sana hindi ko na kailangang magtrabaho!" tumayo ako at kinuha ko ang phone ko. Magja-jogging lang ako ngayon para naman mamaintain ko 'tong katawan ko. Tamang jeggings lang and boxer shirt at nakaponytail lang okay na.

"Magpapasexy pa wala namang papansin sa kanya." Tinitigan ko 'tong si Yvonne. "What?"

"Hindi ka kagandahan kaya wag kang magfeeling." Tumalikod ako at lumabas na. Tamang stretching muna ako bago magsimulang magjogging.

Araw-araw akong nagtitiis dito sa bahay na 'to. Kasi naman bahay 'to ng family namin pero dito pinatira ni papa yang magaling nyang asawa. Hindi ko naman magawang umalis dahil naipangako ko kay mommy na hindi ko iiwanan ang bahay namin. Pero minsan kapag sobrang naiinis na ko napunta ako kay granny. Sya lang kasi yung nakakausap ko pagdating sa lahat ng bagay. Ayaw nya ring tumira sa bahay namin kaya mas pinili na lang nyang tumira sa bahay nya kasama si lolo. Ang galing nga kasi kahit matanda na sila hindi pa rin sila naghihiwalay.

Medyo galit din ako kay papa dahil nga sa bahay nya pa pinatira yung bago nyang asawa kung pwede naman nyang ikuha ng ibang bahay. Ang reason nya kasi wala daw magbabantay sa'kin. Nagta-trabaho kasi sya sa ibang bansa at take note ha, pati si Yvonne sya ang nagpapaaral. Kaya ako nagta-trabaho ako sa gabi. Minsan naman nagtuturo ako ng sayaw sa mga bata or kahit sinong magpapaturo. Mabuti na lang may mga kakilala akong tumatawag sa'kin na nagbibigay ng raket. Mabuti na rin naman yung habang bata ako nakakaipon ako kahit pakonti-konti. Hindi naman kasi ako kagandahan na pwedeng magkaron ng isang prinsipe. Ako kasi yung tipo ng babaeng dinadaan-daanan lang ng mga tao ng hindi napapansin. Mas gusto ko naman yun dahil ayoko din namang sumikat.

Nagsimula na kong tumakbo, usually hanggang kabilang subdivision tinatakbo ko tsaka ako babalik. Minsan nagstay pa ko sa field para magstretching then tsaka ako uuwi para gumawa ng mga dapat gawin then aalis ulit para sa mga tuturuan kong sumayaw then sa gabi diretso naman ako sa Oquenin. Nasanay na ako sa ganun at masaya naman ako sa ginagawa ko.

May nakasalpak na earphones sa tenga ko. Sa may side lang naman ako tumatakbo so hindi ako mababangga. Minsan kapag tumatakbo ako nag-iisip ako ng mga bagay-bagay tapos hindi ko na mamamalayan na tanghali na pala. Oo, walang halong biro. Hindi ko nga nararamdaman ang pagod. Sa dami ba naman kasi ng problema ko sa buhay eh kulang ang maghapon sa kakaisip.

"Good morning ma'am!" bati nung guard sa gate since palabas na ko ng subdivision. "Sexy nyo talaga ma'am."

"I know!" ngumiti lang ako pero hindi ako tumigil sa pagja-jogging. Katawan na nga lang ang meron ako papabayaan ko pa ba. Syempre hindi na. Pero syempre tinatago ko 'to sa mga manyak. Alam ko naman kasi kung anong gusto ng mga lalaki.

Ang sarap sa katawan ng sikat ng araw. Mas lalo akong pinagpapawisan. Nabubwisit nga ako dun sa mga nakikita kong tao na nagpapayong ng 8:00 in the morning. Hindi ba nila alam na vitamins pa yun? At kung sino pa yung hindi kagandahan at hindi naman kayamanan sila pa ang mga nagiinarte. Sarap ihampas sa mukha nila yung payong na hawak-hawak nila –

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon