ELEVEN: THE REVELATION AND THE TEMPTATION
VIENNA’S POV
Napakalaki naman ng bahay ng espasol na yun. Kaya naman pala mukhang espasol ang mukha nya kasi naman hindi naiinitan. Aircon din naman kami sa bahay pero bakit mas maganda pa rin ang kutis nya? Napahawak na lang ako sa mukha ko habang hinahanap ko ang restroom na sinasabi nya. Isang pintuan lang naman ang nakita ko dito wala ng iba. Ang problema lang walang doorknob or kahit anong hawakan. Paano ko kaya ‘to bubuksan?
Tiningnan ko ang buong pintuan at naghanap ng button, for sure meron nun dito. Itinulak ko yung pintuan pero ayaw bumukas. Ano ba namang pintuan ‘to nakakainis. Hindi na nga lang ako magbibihis. Papaalis na ako ng biglang bumukas yung door. Napansin kong napatapak ako sa red line sa tapat ng pintuan. Kaloka, may ganun-ganun pa. Kung ganitong bahay ang papasukin ng magnanakaw baka nagpakamatay na lang yun.
Pumasok ako sa loob at sumara naman agad ang pintuan then bumukas ang ilaw. Sobrang laki nung restroom nya. Parang kasing laki na ng kwarto ko. Tapos ang linis, ang bango at dry pa sa loob. Ibinaba ko ang gamit ko sa mini set sa loob. Magbibihis lang naman ako so safe, hindi ko na need gumalaw ng kahit ano.
Maghuhubad na ko ng bigla kong naisip na baka may CCTV sa loob at baka pinapanood na ko ng Pandong na yun. Manyak yun kaya for sure pinapanood nya ko.
Naglakad muna ako sa loob ng restroom at tiningan ang lahat ng pwedeng paglagyan ng camera. Mukhang wala namang kahina-hinala so nagdecide na kong magbihis ng biglang bumukas ang faucet sa sink sa likuran ko kaya naman nagulat ako. Akala ko naman may multo, gripo lang pala. Nilapitan ko at naghilamos na rin ako. Nang papatayin ko na ang gripo – anak naman ng tipaklong, pati gripo naman nakasensor? Hindi ko alam paano papatayin yung faucet, and worst napupuno yung sink. Habang iniikot ko ang mata ko sa pwedeng maging switch nung fauce napaatras ako ng napaatras hanggang sa nagulat ako at biglang umangat ang cover ng bowl. Biglang may lumabas na water sa upper part ng bowl then biglang nagflush then bumukas ang hand dryer. Putek, mababaliw na ata ako. Lalabas na ko ng maramdaman ko ang tubig sa paa. “Putek yung lababo!!” nagmadali akong lumapit sa lababo na umaapaw na ngayon sa tubig.
Itinaktak ko yung lagayan nila ng maraming soap at sinalok ko yung tubig tsaka ko itinapon sa bowl. Useless kasi napupuno din. Kaya inangat ko na lang ang lahat ng gamit dun sa sink at nagwave wave na din ako sa lahat ng nandun para lang makita kung nasaan yung sensor ng faucet and finally tumigil sya ng mapatuon ako sa tiles na may design na dragon. Woooo, yun lang pala yun. Grabe naman ang gamit dito nangangain ng – biglang bumukas ang faucet sa gitna ng sink na nakatutok sa mukha ko, so ano pa nga ba. Basa ang mukha ko. Lahat ng design sa tiles tinuunan ko isa-isa para lang mapatigil ang buwisit na faucet na ‘to. Parang designed sya kapag maghihilamos.
After 100 years nahanap ko rin kaya lang dinaig ko pa ang naligo. Basa na ko at damusak na sa restroom. Mabuti pa magbihis na ko at makalabas na agad at kapag mamalasin ka nadulas pa ko. AHhhhhhhhhhhhh!! Basang-basa na ko talaga. Bakit kasi hindi ako nakinig kay espasol, sinabi na nyang wag eengot-engot tumuloy pa rin ako.
Tumayo ako at tinanggal ko ang salamin ko sa mata. Wala akong choice kundi magpaka-Vienna ngayon. Wala na eh, basa na ang suot ko pati buhok ko. Hindi ko naman pwedeng itali ‘to ng basa. Di bale, for sure naman gabi na paglabas ko dito at wala ng makakapansin na Vincy akong pumasok at Vienna ako lalabas.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)
Tiểu Thuyết ChungTucker Fanton's story with a bit of Trav Cai's. The playboy slash cool slash heartthrob will be dumped and challenged by a not so attractive girl from his school. Is this the end of Tucker Fanton's move or the beginning of a new story that he, himse...