FIFTY ONE: THEY FOUND HER!

24.4K 839 119
                                    

FIFTY ONE: THEY FOUND HER!

 

 

 

SUZIE'S POV

 

 

"Alam mo hindi mo na naman ako kailangan pang ihatid. Pero sobrang thankful ako kasi kahit minsan hindi ka umalis sa tabi ko." Magkahawak kami ni Pudge ng kamay sa tapat ng bahay ni lola. "Hindi ako makapaniwalang kasama ko na ngayon ang totoo kong pamilya."

"Bakit ako ba hindi mo pamilya? Magiging mag-asawa din naman tayo sa future. Kaya nga inaasikaso ko na ang lahat ngayon para kapag ikinasal na tayo maraming pupunta." Natulala ako sa sinabi ni Pudge at nagtatalon ang puso ko sa saya.

Hinampas ko sya ng mahina sa balikat. "Ikaw talaga, kasal kaagad hind pa nga tayo graduate." Sabi ko kay Pudge na kahit ang totoo ay kinikilig na ako.

"Kaya nga may panahon pa para maghanda. Isa pa kukunin ko pa ang loob ng lola mo." Sumilip sya sa loob. "Kung hahalikan ba kita dito magagalit kaya sya? O dapat sa loob tayo ng bahay maghalikan? Di ba conservative ang mga matatanda?"

"Oo, sinabi mo pa. Pero sa tingin ko tulog pa rin si lola. Alam mo bang hindi sya natulog magdamag. Halos magi-isang linggo na rin  kasing nawawala si Vincy. Gustong-gusto ko na pa mandin syang makita at makapagkwentuhan sa kanya." Nakaramdam ako ng pagkalungot kaya naman niyakap ako ni Pudge. "Si lola at Tucker lang ang hindi tumitigila sa paghahanap sa kanya. Hindi ko alam kung hinahanap din ba sya ng step mother nya. Naaawa ako kay Vincy. Sana may magawa man lang ako."

"Alam kong yan ang sasabihin mo kaya nga nagutos na rin ako na hanapin sya." Tiningnan nya ako sa mga mata. "Yung nandito ka kasama ang lola nyo at damayan sya habang nalulungkot sya, matutuwa na si Vincy na malaman yun."

"Lola ko din naman kasi sya. Halos araw-araw nga puro Vincy na lang ang sinasabi nya habang umiiyak. Mahal na mahal ni lola si Vincy kaya nasasaktan akong makitang nahihirapan si lola." Naiyak na rin ako dahil sa nararamdaman ko. Kaibigan ko si Vincy bago ko pa malaman na magpinsan pala kami.

"Shhhh! Wag kang mag-alala. Mahahanap din natin sya." Magkayakap kami ni Pudge ng may tumigil na taxi sa harap ng bahay at lumabas ang isang lalaki na may mga dala-dalang maleta.

Tiningnan nya lang kami at dire-diretso sya sa loob ng bahay. "Ma! Ma nandito na ko!" Sigaw ng lalaki habang naglalakad papasok ng bahay.

"Parang pamilyar yung mukha nung lalaki." Sabi ko kay Pudge kaya naman sumunod kami agad sa kanya. "Tulog po si lola." Sagot ko sa kanya kaya naman tumingin sya sa'kin.

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon