FIFTY SIX: A LIFE WITHOUT ENDING!

26.8K 802 70
                                    

FIFTY SIX: A LIFE WITHOUT ENDING!


SUZIE'S POV

Pinapunta ako ng kapatid ni Pudge dito sa bahay nila ng ganitong kaaga. May sakit daw kasi si Pudge. Ngayon pa mandin ang bonding moment namin nila Vincy. Pero syempre importante si Pudge. Aalagaan ko yun kung may sakit talaga sya.

Dumating ako sa bahay nila at mukha namang walang tao. "Naku ma'am lahat po sila ay nandun sa itaas. Mukhang malala na po ata si sir." Nanginginig ang boses ng maid nila at halatang hindi mapakali.

"Saan pong kwarto?" tanong ko sa kanya at hindi ako mapakali. Halos hindi ako makahinga sa takot. Paano naman sya magiging malala eh magkausap lang kami kahapon sa phone. Hindi man lang nya namention sa'kin na may sakit pala sya.

"Dun po sa dulong pintuan. Yung pinakamalaki. Nandun na po silang lahat. Sana po maaabutan mo pa po si sir." Umiiyak na sabi nya.

"Ate naman, wag naman po kayong ganyan. Hindi po magandang biro yan. Mahal ko po yung sir nyo. Aakyat na po ako ha." Iniwanan ko syang umiiyak at nagmadali akong umakyat sa itaas. Grabe naman, halos lahat ng pintuan dito malalaki at konti na lang eh maliligaw na talaga ako. Paano pa kaya sila nagkikita-kita sa ganitong kalaking bahay. Nagmadali ako at nanakbo na hanggang makarating sa dulong kwarto at totoo nga, pinakamalaking pintuan. Dalawang pintuan 'to. Parang pintuan nga ng simbahan. Syempre di na ako nagpahuli. Binuksan ko kaagad ang pintuan ng dalawa kong kamay. Nakatalikod ang pamilya nya. "Na – nasaan po sya?" Naiiyak kong tanong. Humarap silang lahat sa'kin at lahat sila ay nakawhite na at nakaformal pa. Parang libing na ni Pudge ang eksena.

"Suzie." Sabi ng ate nya at mabilis syang yumakap sa'kin. "Si Trav."

Ang sakit sa puso kahit hindi ko pa man sya nakikita. "Gusto ko po syang makita." Nakita ko ang kama at may puting kumot na nakatalakbong sa kanya at bigla akong nanghina. "Pudge naman! Bakit ka nangiiwan? Nakakainis ka naman! Wala kang isang salita. Alam mo naman na mahal na mahal kita!!" Sinusuntok ko pa ang katawan nya na natatakluban ng kumot.

"Ah Suzie, wag mo naman syang suntukin." Sabi ng kapatid nya. "Mahal na mahal ka ng kapatid ko at pinakiusapan nya kaming gawin 'to sa kanya. Mahal na mahal ka ng kapatid ko."

Mas lalo akong napaiyak. "Gusto kitang makita Pudge." Tumayo ako at tumingin sa kanila. "Okay lang po bang makita ko sya?" tanong ko sa kanila at tumango naman sila. Huminga ako ng malalim at pumikit tsaka ko inalis ang kumot tsaka ako dumilat. Laking gulat ko ng nagliparan ang mga lobo sa ilalim ng kumot at naguluhan ako. Lumingon ako sa kanila at nakangiti lang sila. Inalis ko ng buo ang kumot at lumipad lahat ng lobo na may nakasulat na "I LOVE YOU MEDUSA! PLEASE MARRY ME!!"

"AHhhhhhhhhhh!! PUDGE!!!!" sigaw ko.

Biglang may lumabas na mga nagvi-violin at pumalibot sa'kin. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Biglang sumulpot si Pudge na nakaformal at lumapit sa family nya. "Thanks mom. Thanks sis." At humalik sila sa mga 'to tsaka lumapit sa'kin. "Alam ko hindi pa tayo ganun katagal pero mahal kita at mahal ka ng pamilya ko. Mas mahal ka pa nga nila kesa sa'kin. Actually sila ang nagplano nito." Kumamot pa sya sa ulo nya na parang nahihiya. "Alam mo namang mahina ako sa ganito." Yumuko sya at para syang baliw na napapangiti.

"Wag ka ng torpe dyan!!" Sigaw ng kapatid nya.

"Oo eto na nga!" sagot nya sa kapatid nya. "Sorry sa kalokohan ng pamilya ko ha. Di naman nila intensyon na paiyakin ka. Gusto lang nilang makita kung gaano mo ako kamahal." Nakakainis naman 'tong pamilyang 'to. Pati maid dumadrama. Nakakahiya. Lahat sila fake ang drama ako lang ang totoo. Naiinis ako pero kinikilig din. "Medusa, I love you." Bigla syang lumuhod. "Ay ganito ba?" Tumingin sya sa kapatid nya. "Dapat ba left or right? Or both?" Mabilis naman syang binatukan ng kapatid nya. "Nagtatanong lang. Di mo naman sinabi sa'kin." Humarap ulit sya sa'kin. "Medusa, kahit hindi ko alam kung left or right na knee dapat, basta alam ko gusto kitang pakasalan. Please be my wife." Kinuha nya ang kamay ko at isinuot ang singsing.

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon