23: "BLIND DATES"

44.3K 1K 54
                                    

23: "BLIND DATES"

 

 

 

VIENNA'S POV

 

 

 

"Dapat kasi mapasagot mo na talaga si Tucker para naman may manlilibre sa mga gala natin." sabi ni Amber.

Naglalakad kami ngayon dito sa hallway sa school. "Excuse me lang ha, di ko nililigawan si Duck at never ko syang liligawan. We're just friends, no more no less." sabi ko sa kanila.

"Ashoooo! Kahit na maturn on ka sa kanya friends pa din?" tanong ni Levz at nagnod ako. "Wow, pavirgin ang lola mo. Kung ako talaga ikaw tinuka ko na ang sawa. Ikaw na talaga ang pinakamaswerte." with matching kurot pa na sabi ni Levz.

Nakatalikod ako sa daan at nakaharap sa kanila habang naglalakad. "Drop it girls. Wag nyo ng ipilit."

"Oo nga naman girls. Wag nyo na kasing ipilit, baka kasi iba ang type ni Vincy." mabuti pa 'tong si Cherica kakampi ko.

"Thanks Cher —" ng bigla akong mabangga kaya mabilis akong humarap. "Naku sorry, kasalanan ko — Trav, hey." Di ko mapigilang magpacute. "Uhm, hi." Di ako mapakali ng maramdaman kong may kumurot sa braso ko.

"Obvious mo!" bulong ni Cherica kaya naman umayos na ko.

"Sorry, sige." Papalampas na sana ako ng may iniabot na box si Trav. "What's this?" nagshrug lang sya. "For me?" at nagnod lang sya. Sobrang tipid ng mga sagot. "Naku thank you so much. Kahit di ko alam kung anong meron ngayong araw, salamat pa rin."

"Itext mo na lang si Tuck. Sa kanya naman yan galing. Sige." at inilagay na naman nya ang kanyang headset.

"Ahhhhhhhh!!!!" sabay-sabay na sigaw nung tatlo.

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon