THREE: THE MYSTERIOUS GUY

91.1K 1.7K 49
                                    

THREE: THE MYSTERIOUS GUY

VIENNA'S POV

Nagmadali akong pumasok ngayon umaga. Paano ba naman kasi late na ko nakauwi dahil sobrang daming tao kagabi sa Oquenin. Medyo inaantok pa nga ako. Pagdating ko sa klase nagsisimula na si prof. Mabuti na lang hindi nya ko masyadong pinansin. Ayoko pa mandin sa klase na 'to, large class kasi at ang hirap humanap ng seat. Napunta tuloy ako sa may taas.

Hindi naman ako katalinuhan pero fast learner ako at dahil gusto kong makinig kinuha ko ang notebook and book ko para sa klase. Kaya lang kapag minamalas ka naman biglang kumalat ang gamit ko. Hindi ko napansin na nabutas na yung bag ko.

"Is there any problem Ms. Perithon?" sabi ng prof namin na nakalapel pa. Rinig kasi sa room yung pagbagsak ng gamit ko sa wood floor sa upper part ng inuupuan namin.

"Wala po." Todo dampot naman ako ng mga gamit. Nakakainis naman talaga.

"Here." Biglang bumungad sa mukha ko ang ilang notebooks and books at dumiretso ako ng tingin sa kung sinong nag-aabot. Ang gwapo nya, pero mukha syang walang expression.

"Thank you." Kinuha ko yung notebooks and books sa kanya at hindi na nya ulit ako pinansin. Dinampot ko pa yung ibang gamit tsaka ko ibinalik sa bag ko. Ang problema ko na lang kung paano 'to hindi malalaglag. Lahat na ata ng way ginawa ko para masara yung bag pero hindi ko talaga masolusyunan. Sana matalinong tao ako para naisip ko na agad kung anong gagawin. "Ganito kasi ang gawin mo."

Napatingin ulit ako sa lalaking tumulong sa pagdampot ng gamit ko. Kinuha nya yung bag ko tsaka ibinuhol yung ilalim na part. "Hawakan mo na lang yung ilalim mamaya para hindi kumalat." Ibinalik nya sa'kin yung bag ng hindi man lang tumitingin sa'kin.

"Salamat – pero bakit mo ako tinulungan?" kasi of all people sa school walang gustong tumulong sa'kin kundi ang mga friends ko lang. Kaya nga nila ako ginawang kaibigan kasi binubully ako dito dati. Alam nyo na, iba kasi ang ayos ko sa school. Actually ganun talaga ako sa school. Nakasalamin tapos long sleeves at mahabang skirt or pants then boots. Tapos minsan yung hair ko hindi ko na nasusuklay at basta ko na lang itinatali sa pagmamadali sa umaga.

"Ang ingay mo kasi. Hindi ako makatulog." Sagot nung lalaki at naglean na sya sa arm chair nya. Ang cool, hindi nya ko inasar or nilait. Ang bait nya. Habang nagkaklase natingin ako sa kanya at napapangiti ako. Hindi ko lang alam na may classmate pala akong kasing gwapo at kasing bait nya. I wonder kung anong pangalan nya. Mabuti na lang dito ako sa likuran napaupo ngayon. Ang swerte ko naman. Feeling ko crush ko na sya. Bihira kasi akong magkacrush. Alam nyo kasi ang lalaki dito sa school puro yabang at masyadong matatapobre. Akala mo gwapo kung magmayabang. Sinabi ko sa sarili ko na hindi ako nag-aral dito para magboyfriend.

Oh well mabalik sa crush ko, mukhang hindi talaga sya nakikinig sa klase. Ang dami na kaya naming nasulat pero tulog pa rin sya. Nakatitig ako sa kanya ng bigla syang nagising at nagstretching. Napatingin sya sa'kin at ngumiti lang ako. "Mabuti naman at gising ka na."

"Time na kasi kaya nagising ako." Kalmado nyang sabi.

"Okay that's all for today. Goodbye." Narinig kong sabi ni prof.

"See." Medyo ngumiti sya then tumayo at kinuha yung bag nya. Oh my ang gwapo ng ngiti nya.

Syempre nagmadali akong lumabas para sundan sya. Mukhang wala syang mga kaclose sa classmates namin ah kasi naglalakad lang sya mag-isa kaya naman sinabayan ko. "Hi." Pero hindi sya sumagot. "Thank you sa pagtulong sa bag ko ha. Okay na sya ngayon oh. Mapagtitiisan na 'to hanggang paguwi." Tumingin lang sya at hindi pa rin sya sumagot at nagmabilis lang sya ng lakad. "Ay wait." Tumigil sya sandali at iniabot ko ang notebook ko sa kanya pero tiningnan nya lang. "Nakit ako kasi na hindi ka nagsulat kanina kasi nga di ba natulog ka so papahiram ko sa'yo 'tong notebook ko."

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon