NINETEEN: VIVE

48.2K 1.2K 117
                                    

NINETEEN: VIVE

VIENNA'S POV

"Front center back center left center right center. Add a little hips and 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1 and switch position then turn." Nagpapractice kami ni duck ngayon dito sa place nya. "Alam mo magaling ka naman pala. I wonder bakit ka pa bumagsak." tanong ko habang nagpupunas ng pawis.

"Marunong naman talaga kongs sumayaw." Uminom sya ng water tsaka umupo sa couch. "Di ko lang talaga hilig."

"Wow. Eh di kumuha tayo ng back ups. Para maging isang special number talaga yung performance natin. Trust me magugustuhan yun ni prof." Meron akong idea para naman hindi kami mukhang engot na dalawa lang kaming sumasayaw sa stage.

"Kapag di ko lang yan nagustuhan ayoko okay?" kalmado nyang sabi.

"I am doing you a favor freak!" i rolled my eyes. Umupo ako at nagstretching ng konti at napansin kong nakatingin sya. "O bakit? Kelangan to para marelax yung katawan no."

"Alam ko. Masama bang tumingin? Tss!" sungit na naman nya. Pero mas okay na rin 'to.

Napatingin sya ulit ng magpalit ako ng shirt. Nakaboxer shirt naman ako so okay lang. "I know I am hot. You don't have to drool." then I laughed.

"Right." ngumiti sya at nagulat ako. Umagree ba sya na hot ako?

"Hindi ka magpoprotest?" Nacoconfuse kong tanong.

"O eh totoo namang hot ka ah." Tumayo sya. "Magpractice na tayo ulit."

Napatingin ako sa orasan. "Holy lilly! I need to go. Male-late na ko sa shift ko sa Oquenin." Kinuha ko ang mga gamit ko.

"Pero hindi pa tayo tapos." tiningnan ko sya.

"Babalik ako after ng shift. 4 hours lang naman yun." at ngumiti ako. "I just need to be there."

"Okay. Pero susunduin kita after 4 hours to make sure na babalik ka ha!" he assured.

"Fine. But I really need to go." papalabas na ko ng biglang bumukas ang pintuan at may bumungad na mga gwapong lalaki.

"Ihahatid na kita, sandali - dude napadalaw kayo?" gulat nyang tanong.

"Di namin alam na dito mo na dinadala ang mga chikababes mo." di ko matandaan ang pangalan nya pero alam kong nakita ko na sya.

"Excuse me I need to go. Duck, please tell your friends to get out of my way kasi late na ko." biglang nagtawanan ng malakas yung mga kaibigan nya. "What?"

"Dude tinawag kang duck!! F*ck! I love this girl. Di ka sinasanto." Biglang namula ang mukha ni Duck ng marinig ang sinabi ng kaibigan.

Tumingin sya sa'kin. "Magtataxi na lang ako." sabi ko sa kanya bago pa sya makapagsalita. Sumingit ako sa mga nakaharang nyang kaibigan para makadaan dahil di sila maawat sa pagtawa. Bago ako makalabas narinig kong sumigaw si duck.

"Mga siraulo talaga kayo!!"

At hindi ko na alam ang nangyari dahil nanakbo na ako papunta sa Oquenin. Minsan kapag sanay ka na sa ginagawa mo hahanap-hanapin mo talaga. At dahil nanakbo na lang ako habang nag-iisip di ko napansing malapit na ko sa Oquenin.

Pagpasok na pagpasok ko sinalubong agad ako ng manager. "Buti umabot ka." Nagulat ako sa dami ng tao. Namukhaan ko pa ang karamihan ng nandun, mga ka-schoolmates ko at classmates ko. "I didn't know na may fans club ka pala ha. Ikaw ang hinahanap nilang lahat. At Vincy nga ang tinawag nila sayo. Alam na ba nila?"

Hindi ko alam kung anong isasagot sa manager. Di ko rin alam paano nila nalaman at talagang inaabangan pa nila ako. Pakiramdam ko merong hindi magandang mangyayari. Hindi ako mapakali. Gusto ko na lang lumabas ulit at di na pumasok. "She's here!!" sigaw ng isang babae at nagtinginan silang lahat.

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon