NINE: HE TALKED AND SHE LIKED IT!

63.2K 1.2K 62
                                    

NINE: HE TALKED AND SHE LIKED IT!

 

 

SUZIE’S POV

Nakakapagod naman ang maghapon. Mabuti na lang at gabi na ulit at nagsasara na ko ng shop.

“Pauwi ka na?” sabi ng isang boses lalaki sa likuran ko kaya tiningnan ko agad – ang bading na hindi na nagsawang mangulit.

“Hindi, hindi. Papasok palang ako. Heto nga oh magbubukas na ko. Magrerent ka ba?” I rolled my eyes. Nakita na ngang nagsasara.

“Malay ko ba kung gagala ka pa at sa-side line pagkasara mo nyan.” Papilosopo nyang sabi.

Hindi ko na sya pinansin at naglakad na ko papunta sa convenient store para bumili ng ilang toiletries, 24 hours naman yun. Habang naglalakad ako nakarinig ako ng isa pang yabag sa likuran ko kaya lumingon ako. “Sinusundan mo ba ko?”

“Bakit pag-aari mo ba ‘tong daan? Kapag naglakad sa likuran mo sinusundan ka agad? Hoy hindi ako yung bumbay na inutangan mo kaya hindi kita susundan. Feeling mo.” Alam mo yung boses nya na dapat nang-aasar o nangiinis pero parang wala lang syang ganang magsalita. Walang kaemo-emosyon. Hindi ko na lang sya pinansin kaya naglakad na lang ulit ako ng mas mabilis. Pumasok ako sa convenient store at pumasok din sya.

Tumingin ako ng mga dapat kong bilhin at nasa likuran ko pa rin sya. Kapag tinitingnan ko sya naiwas lang sya ng tingin at napili na lang kunyari ng kahit anong makita. Lumipat ako sa kabilang lane ng mabilis pero paglipat ko nandun na rin sya. Nakakainis. At para hindi ko na lang sya makita lumipat na lang ulit ako ng lane. Okay na sana ng paglingon ko sa likod nandun sya nakatayo. “Ako ba talaga sinusundan mo?”

“Ang ku – kulit mo din no.” hindi sya makatingin ng diretso. “Nabili rin ako no!”

“At anong binibili mo?” I folded my arms over my chest.

Tumingin sya sa paligid at dumambot ng isang kahon. “Eto ang binibili ko. Kanina ko pa nga ‘to hinahanap.” Nakangiti nyang sabi habang ako gulat na gulat sa hawak nya.

“Yan ang kanina mo pa hinahanap?” halos titig na titig lang ako sa box na hawak nya.

“Oo. Ito lang babayaran ko na nga eh. Magkano nga ba ‘to.” Tiningnan nya yung box at kahit sya nagulat.

“Ahhhhhh!!!!!! Grabe kang lalaki ka!!! Bibili ka lang ng condom pinapakita mo pa sa’kin!! AHhhh! Ayoko na talagang makita yang mukha mo!!!” tumalikod ako ng mabilis at nagbayad sa counter tsaka mabilis tumakbo palabas. Malapit lang naman ang bahay ko dito kaya hindi na nya agad ako masusundan. Lumingon ako sa likuran ko at hindi ko na sya nakita. Mabuti na lang at hindi na nya ako sinundan –

*TUGSH

Pagtingin ko kung sinong nakabangga ko napaatras ako agad at tinakpan ko ang katawan ko. “Ay feeling – hindi ko sa’yo gagamitin yun kung bibili man ako.”

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon