THIRTY SEVEN: I EXTREMELY KNOW!
VINCY'S POV
Naglalakad ako at naghahanap ng vacant na shed para magreview kaso puno lahat. Dito ko gusto magreview sa labas kasi fresh air. Kapag kasi dun sa library inaantok ako dahil sa aircon. Parang kinukumbinsi akong matulog na lang kaysa magreview.
Kapag medyo sinuswerte ka nga nakit ako si Suzie sa dulo na nakaupo at nakaopen ang book. Mukhang nagrereview rin sya. Teka, ngumingiti ba sya mag-isa? Mukhang hindi safe na makitabi sa kanya ah.
"Vincy? Vincy!!! Ahhhhh!!!" Mabilis syang tumayo at niyakap ako. "Samahan mo naman akong magreview dun dali na." Hinigit nya ako papalapit sa pwesto nya.
"Sa lahat ng nagrereview ikaw yung excited. Okay ka lang ba?" Tanong ko habang iniaayos ang gamit ko sa table kaharap nya. Ngumiti sya na parang nagpipigil na parang naiihi. "Sige lang, magrestroom ka lang kung naiihi ka. Babantayan ko yang gamit mo." Bigla syang tumawa ng malakas. "Hala, nabaliw na."
Tumayo sya akala ko naman pupunta na syang restroom pero lumipat lang sya ng upuan at tumabi sa'kin. "Ano kasi – hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko. Hindi ako nakatulog. Pakiramdam ko sasabog na ang dibdib ko." Para syang bulateng malikot sa tabihan ko. "Magdamag ko yung inisip at kapag naiisip ko hindi ako makahinga. Para akong nalulunod."
"Alam mo kasi ang pagrereview hindi binibigla. Kung hindi ka sanay magreview mas mabuting wag ka na lang magreview." Maigsi kong sabi sa kanya at sinimulan ko ng buksan ang book ko. "Nasaan na kaya ang mga kaibigan ko."
Nagulat ako ng bigla nyang isinara ang book ko. "Vincy sorry ha. Kailangan ko lang talaga 'tong mailabas." Hinawakan nya ako sa kamay. "Kasi hinalikan ako ni Pudge – ni Trav!! Ahhhhhhhhhh!!" Tinakpan nya ang bibig nya. "Mmmmmmmmmmmm!!!!" Kinalog kalog nya pa ako. "Anong dapat kong gawin? First kiss ko yun."
"Ay jusme! Akala ko naman nababaliw ka na. Inlababo ka lang pala." Napatigil ulit ako ng nagsink in sa utak ko ang sinabi nya. "OMG! Hinalikan ka ni Trav? Ahhhhhhhhhhhhh!!" At sya naman ang kinalog ko. "So kumusta ang kiss? Malambot ba ang lips nya? Masarap ba syang humalik? Gaano katagal?"
"Ano medyo masarap. Ahhhhhhhhh!!!!!!! Tapos ang lambot ng lips nya parang ang sarap kagatin!! Ahhhh!!!!! Kaso ano eh, mabilis lang." Bigla syang nalungkot. Kaya pala para syang naiihi eh dahil kinikilig ang loka.
"Baka kasi wala pang first kiss si Trav kaya hindi pa pudpod ang lips." Pagbibiro ko.
Hinampas nya ako bigla sa braso. "First kiss namin ang isa't isa. Ahhhhhh!!!!! Ang landi ko na. Ahhhh!! Hindi ko na tuloy alam paano ako haharap sa kanya ngayon. Vincy, anong gagawin ko?"
"Eh di act normal. Nanliligaw ba sya? Parang natural lang, parang wala lang. Wag kang pahalata. Pakipot ka ng konti." Nagbuntong hininga ako. "Ako nga normal pa rin kami ni Duck kahit na nanliligaw na pala sya."
"Nanliligaw na sa'yo si Tucker? Ugh!! You are the luckiest Vincy!!!!!! Ang hot nya!!!!!!! Pero syempre Pudge for the win pa rin ako!!" Niyakap nya ako ng mabilis tsaka sya ulit umaayos ng upo. "Paano ba malalaman kapag nanliligaw?"
"Nagpapaalam sya na manliligaw. Kaso sa case kasi ni Trav mukhang hindi sya marunong nun at sana – sana lang talaga hindi sya magtanong sa mga friends nya kasi paniguradong pagtitripan nila si Trav, magiging kawawa lang sya." Paliwanag ko at nakita kong nakatulala si Suzie sa may likuran ko kaya naman lumingon din ako. Nakita ko si Trav at Duck. "Nag-uusap din kaya sila tulad ng pinaguusapan natin?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)
General FictionTucker Fanton's story with a bit of Trav Cai's. The playboy slash cool slash heartthrob will be dumped and challenged by a not so attractive girl from his school. Is this the end of Tucker Fanton's move or the beginning of a new story that he, himse...