FORTY TWO: HER INFINITE LIST!

37.8K 956 128
                                    

FORTY TWO: HER INFINITE LIST!

 

 

VINCY’S POV

 

 

Mainit talaga ang ulo ko ngayon. Kasi naman ‘tong si Duck dalawang araw ng hindi nagpapakita sa’kin. Sino bang tao ang nakakatiis na hindi makita ang taong mahal nya ng dalawang araw? Baliw lang ata ang papayag sa ganun.

Ilang beses ko syang tinext na tawagan nya ako. Dapat lang na sya ang tumawag dahil sya ang naka-line. Prepaid lang ako tapos free texts pa.

[Hello, my Vive.] Sweet nyang sabi as soon as masagot ko ang tawag nya.

“Wag mo kong ma –my Vive Vive dyan ha!! Where are you?!!” I shouted.

[Sa puso mo. Parang ikaw, nasa puso ko lang din.] Malambing nyang sabi.

“HOY TUCKER FANTON KAHIT KINIKILIG AKO SA SINASABI MO HINDI NUN MABABAGO ANG PAGKAINIS KO SA’YO!! Paano ka nakakatagal ng two days na hindi ako nakikita ha?!!!”

[Vive naman, weekend kasi. Family day kahapon. Isa pa para naman makapagbonding kayo ni lola.] Paliwanag nya.

“Wow! Samantalang nung hindi pa tayo ang sipag mong magpakita! Sinasabi ko na nga ba! Ganyan talaga ang mga lalaki!!!! Sa una lang magaling. Kapag nakuha na nila ang gusto nila bigla na lang tatamarin!!!”

[Oy teka teka. Wala pa nga akong nakukuha sa’yo. Mali ka naman dyan.] Pang-aasara nya.

“TUCKER!!!!!!”

[When you call me with my name, it means you’re damn serious. Sorry na. I was just joking. Bakit ka ba kasi nagagalit dyan? Magkatext naman tayo ng dalawang araw ah.]

“Pinagmamalaki mo na yun ha? ANO TAYO TEXTMATE?!!! Hoy kung gagawin mo lang akong textmate sana sa text ka na lang din nagpropose!!! Anong feeling mo LDR tayo para puro text at tawag lang? Sinasabi ko sa’yo ngayon Tucker Fanton. Kapag hindi ka nagpakita sa’kin ngayong araw, wag ka nang magpapakita sa’kin kahit kelan!!!!!!!!” Malakas kong sigaw sa kanya at di ko pa sigurado kung narinig nya.

[Woah! Where’s this coming from? Vive, stay calm and stay put. I am on my way there to surprise you pero heto ka nagtext pinapatawag ako at naghysterical. Nandyan na ako malapit na.]

“ANO?!! Hindi pa ako naliligo!! Wag kang magmadali!!” Mabilis akong kumuha ng damit at pumasok sa shower room.

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon