THIRTY FOUR: THE CLOSER I GET TO YOU!

53.2K 1.1K 131
                                    

Hello! Please read my new story tRICky Destiny. Thank you. :)

THIRTY FOUR: THE CLOSER I GET TO YOU!

 

 

VINCY’S POV

 

 

“Let’s give Vienna Safara a round of applause!! Welcome back Oquenin star!”

Nagwave ako at nagthank you sa mga tao sa Oquenin bago bumaba ng stage. Namiss ko talaga ang magsayaw ulit dito.

“I’m so glad you’re back.” Sabi ng manager sa’kin.

“So do I.” Lumapit ako sa counter at kumuha ng apron. “I missed this job.” Sagot ko sa kanya.

“I must admit, marami ang nawalang customers nung nawala ka. Madami na ulit ang tao ngayon.” Tumingin sa sandali sa paligid tsaka bumulong. “Dahil dyan tataasan ko ng konti ang sweldo mo.”

“Naku thank you po. Kailangan ko talaga yan ngayon. Sobrang makakatulong po yan.” Masaya kong sagot sa kanya.

“Ano na bang nangyari dun sa tinuturuan mo? Tinanggal ka ba nya?” paguusisa nya.

“Hindi po. Tapos na lang talaga yung trabaho ko sa kanya. Nakapagpresent na po sya.” Nakangiti kong sabi at naaalala ko ang mga araw na nagpapractice kami. Di ko akalaing mamimiss ko din pala – ang practice namin.

“Mukhang nagkakamabutihan na kayong dalawa. Maganda yan. Mukha namang mabait ang gwapong batang iyun.” Sabi nya sa’kin bago ako iwanan sa kinatatayuan ko.

Napailing na lang ako at ipinagpatuloy ko na ang trabaho dito. Papalapit ako sa isang table para maglinis ng may humawak sa braso ko. “Pwede ba bitawan mo ako – Damon?”

“That was a hot performance, dear.” Nakangiti nyang sabi at binitawan naman nya ang kamay ko. Nakaupo sya sa stool at mag-isang umiinom.

“Alam mo wala akong oras makipagusap sa’yo. Nasa trabaho ako ngayon!” Papatalikod na sana ako pero humarang sya. “Ano ba? Hindi pa ba malinaw sa’yo na after ng stupid audition na yun eh wala na akong pakialam sa kahit anong may kinalaman sa Urvent!”

“I’m sorry okay? They’re jerks!” sabi nya.

“And so do you!” pagpapatuloy ko.

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon