TWENTY-FIVE: SWEET SURRENDER!

47.7K 1K 90
                                    

TWENTY-FIVE: SWEET SURRENDER!

 

 

VIENNA’S POV

 

[Sorry talaga Vinz hindi ka naming masamahan ha. Pero promise hahabol kami.]

[Vinz galingan mo na lang. Alam naming makukuha.]

[We love you Vinz!]

“Oo na girls. Naiintindihan ko naman. Isa pa okay lang na magisa ako para kahit pumalpak walang magtatawa sa’kin.”

[Naku Vinz hindi ka papalpak.]

[Tsaka hindi ka rin magiisa.]

At nagtawanan ang tatlo sa kabilang line.

“What do you mean?” pero bigla nilang ibinaba ang phone. “Aba’t – mga loka talaga ‘tong mga kaibigan ko!”

“Kasi loka ka rin naman.”

“Excuse me – Duck.” Gulat kong tanong.

“Ano? Parang nakakita ka ng multo.” Pacool nyang sabi.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko ulit.

“Ano pa? Eh di moral support sa bestfriend ko.” Inakbayan nya ako.

“Te – teka – moral support?” Inalis ko ang kamay nya. Pwede ba Duck tigilan mo ako. Bakit ka nandito?” Ibinaba ko ang malaking bag na hawak ko. “No way! Sila Levz no? Pinapunta ka nila dito?”

“Eh ano? Bakit di mo ba sinabi sa’kin? Di mo man lang pinaalala! Anong klase kang kaibigan?” sagot nya. “Tsaka moral support nga. Wala ka namang kasama dito no. Di mo ba nakikita lahat may personal assistants, ikaw lang ang wala.”

“So you mean – ”

“No! Hindi ako nagpunta dito para maging personal assistant mo no! Tara na nga sa loob baka mahuli ka pa.” Kinuha nya ang bag ko. “Di ka lalaki kapag nagbuhat ka ng ganito kabigat.”

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon