Please also read my new story tRICky Destiny. :) Thanks. For more updates, follow me on twitter @Official_Mela_B and instgram @itsmelabrio.
<3
megladiolusTHIRTY: “YOU’RE HOT!”
VINCY’S POV
“Sorry talaga Vinz kung yan lang ang pasalubong namin sa’yo ha.” Inabutan ako ni Levz ng isang box.
“Maliit na box lang ang napuno namin each, sana okay lang sa’yo.” At iniabot naman ni Cherica ang box nya.
“Naku Vinz, ito lang yun sa’kin. Wala na kasi akong maisip na ibigay sa’yo. Kung ano yung nadampot ko sa mga pinamili ko na di ko naman nagustuhan, yun na lang yung inilagay ko dyan.” Iniabot nya sa’kin na parang nahihiya.
“Girls, hindi nyo naman ako kailangang bigyan ng isang balik-bayan box para lang masabi nyong napasalubungan nyo talaga ako. Kahit nga tig-iisang bracelet lang okay na. Tingnan nyo ‘to, sobrang bigat ng dadalhin ko.” Binuhat ko ang tatlong box.
“Gusto mo ihatid ka na namin? Dadaan din naman kami dun.” Pag-alok ni Levz.
“Girls, hindi pa rin kasi ako umuuwi. Nandun pa din ako kay lola. Plan ko nga na dun na muna habang walang nagbabantay sa kanya. Imagine ilang taon na si lola tapos mag-isa lang sya sa bahay. Ayokong mangyari sa kanya yung nangyari dun sa kapitbahay namin. Walang nakaalam na patay na pala sya kung hindi pa nangamoy.” Paliwanag ko sa kanila. “I really need to go. Mamayang hapon na kasi yung presentation ni Duck. Sana lang talaga ready na sya.”
“I am ready.” Dahil sa taas ng boxes nahaharangan na nya ang daanan ko. Bigla na lang palang sumulpot si Duck sa harapan ko at kinuha ang boxes. “Don’t worry girls, ako na ang maghahatid sa kanya.”
“Thanks, Tucker. Hindi ka namin naikuha ng pasalubong. Alam naman kasi naming hindi mo na kailangan.” Sabi ni Levz.
“Right.” Tipid na sagot ni Duck. “Tara na. Baka ma-late ka pa mamayang hapon. Tandaan mo dito nakasalalay ang grade ko.”
“I know right.” Humarap ako sa mga kaibigan ko. “Thank you so much girls sa mga pasalubong. You are the best.” At nagbeso ako sa kanila. “Uhm, pwede ba akong bumawas dun ng ilan – ibibigay ko lang dun sa nakasama ko habang wala kayo.”
“Nakasama?” tanong nilang tatlo.
“Yeah.” Nagtinginan sila. “Si Suzie.”
BINABASA MO ANG
The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)
General FictionTucker Fanton's story with a bit of Trav Cai's. The playboy slash cool slash heartthrob will be dumped and challenged by a not so attractive girl from his school. Is this the end of Tucker Fanton's move or the beginning of a new story that he, himse...