TWENTY-FOUR: "HE'S JEALOUS OR HE'S NOT"

52.2K 1.1K 106
                                    

TWENTY-FOUR: “HE’S JEALOUS OR HE’S NOT”

 

TUCKER’S POV

 

 

“Bakit hindi mo pa kasi ligawan?” tanong ni Trav habang nagbibilliards kami.

“Siraulo ka talaga! Kailan ba ko nanligaw? Isa pa, sinabi ko sa sarili ko dati na ang isang tulad nya ang magmamakaawa sa’kin para lang maging kami!” Yun yung mga panahong inis na inis pa ako sa kanya.

“Pero ang nangyayari ikaw ang malapit na magmaakawa sa kanya para maging kayo.” Natatawang sabi ni Trav.

“Hindi no! Malabo yun. Nasasabi ko lang kasi sa kanya lahat, hindi ko na kailangang magsinungaling pa. Basta! Siguro para ko syang kapatid, ganun lang.” Napaisip din ako sa sinabi ko. Di ko din alam kung ano ba talaga. Pero isa lang ang alam ko, comfortable akong kausap sya tungkol sa kahit anong bagay.

“Hirap talagang intindihin ng mga babae no?” sabi ni Trav. “Minsan akala mo nagseselos na sila. Tapos malalaman mo ganun pala sila sa lahat.”

“Teka, si bulilit ba ang tinutukoy mo?” Parang nagulat si Trav sa tanong ko at hindi agad sya nakasagot. “Naku, mukhang nakuha na nya talaga ang atensyon mo ah. Ano bang status nyo? Nanligaw ka na ba?”

“Bakit ko sya liligawan? Di kami talo no! Tsaka nakakatakot yun. Baka saktan lang ako nun kaya wag na lang.” Umiwas ng tingin si Trav sa’kin, siguro para di ko makita na nahihiya sya.

“Siguro dapat kay Zak at Val ka humingi ng tulong. Kasi naman hanggang ngayon sila pa rin ng mga girlfriends nila. Humingi ka ng techniques paano mo macoconfirm na sya na yung “the one”.” Payo ko kay Trav.

“Seryoso? Ako ba ang nangangailangan ng technique o ikaw? Kasi ikaw, ngayon mo lang natagpuan ang sinumpang babae na babaligtad at hindi tinatablan ng mga styles mo.” Umikot sya papalapit sa’kin. “Dude, hindi kaya tumatanda ka na at laos na ang moves mo?”

Nabatukan ko naman si Trav dahil sa sinabi nya. “Siraulo ka talaga. Kung matanda na ako, matanda ka na din! Magkaedad tayo ul*l!!” Ininom ko ang beer na nasa tabihan ko at napaisip sa sinabi ni Trav. “Hindi naubra sa babaeng yun yung style ko kasi di ko naman ginagamit sa kanya. Pero once na gamitan ko yun ng moves ko, naku, maghahabol na yun sa’kin. Ayokong magka-girlfriend na tulad nya no. Teaser yun eh.”

“Ayaw gamitan ng moves? O takot gamitan ng moves dahil alam mong hindi tatalab?” Tinap ako sa balikat ni Trav. “Tanggapin mo na ang totoo dude. Nakahanap mo na ang sumpa mo. Nabreak na ang record na lahat ng babae eh makukuha mo.”

“Ewan sa’yo! Bago mo ko payuhan , solusyonan mo muna yang problema mo sa bulilit na yun! Marami pa man din yung kaibigang lalaki dun sa shop.” Tumingin ako sa kanya. “Sya na lang kaya ang ligawan ko?” Di ko inaasahan ang mabilis na pagsuntok ni Trav sa sikmura ko. “Dude, di ako tumatalo ng gusto ng kaibigan. Alam mo yan. Masyado kang hot.”

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon