THIRTY EIGHT: MAKING FUN OF THE INNOCENTS!

43.9K 1K 323
                                    

Hello! Please read my new stories tRICky Destiny and Blazing Urge: Love Versus Love.  For more updates please follow me on Instagram @itsmelabrio and Twitter @Official_Mela_B 

Thank you. :)

love lots,
megladiolus

THIRTY EIGHT: MAKING FUN OF THE INNOCENTS!



TRAV'S POV



"Sige, hawakan mo ng ganyan tapos sabihin mo yung mga tinuro namin." Sabi ni Rich.

Nandito kasi kami sa pub at nakita nila akong may dalang bulaklak. Mga nang-asar kaya umamin na ako na para 'to kay Medusa. Tapos ayun mga nagvolunteer na sila na tuturuan daw ako. Di naman ako tumanggi kasi naman wala talaga akong alam. "Ano na dude? Naduduwag?" Tanong ni Luke.

"Eto nga." Nakaupo silang lahat sa couch habang nakatayo ako at lahat sila ay nakatingin sa'kin. Lumuhod ako tulad ng sinabi nila at kunyari ay nasa harapan ko si Medusa. "Medusa, flowers for you. Pero kahit anong flowers pa ang makita ko, pinakapangarap kong makita ang flower mo." Seryoso kong sabi.

"WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" sabay-sabay nilang tawa.

"Dude – dude nakita mo yun? Seryoso pa sya!!!" Sabi ni Rich habang hinahampas si Luke.

"Si – sino bang nagturo nyan? HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Si Trav yan eh. Kahit nagjojoke na yan seryoso pa rin!! HAHAHAHAHAH!" Sabi ni Val na halos nakahiga na.

"A – ano ba kayo!! Wala kayong kwentang kaibigan! Kung anu-anong tinuturo nyo kay Trav!" Sigaw ni Zak pero halatang pinipigil ang tawa. "Si – sige na Trav, ituloy mo na. Wag mong gamitin yang linya na yan."

"Bakit? Anong mali dun? Sabi ni Rich maganda daw yun." Naguguluhan kong tanong kay Zak.

"B – basta hindi maganda. Sige na. Iba naman." Sabi nya na konti na lang ay matatawa na.

"Sige." Tumayo ako ulit. "Ready na ba kayo?" Nagtinginan sila sa'kin tsaka tumigil sa pagtawa at tumahimik. "Medusa, sana bulaklak ka na lang at paru-paro ako – para kahit anong oras pwede akong dumapo sa flower mo." Sabay act na inaabot ang bulaklak.

"WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Di ko 'to kinakaya! Sinong nagturo nyan? HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!" Si Zak na nagpipigil ng tawa kanina, ngayon eh nasa sahig na at hawak-hawak ang tyan nya at gumugulong sa pagtawa.

Si Rich at Luke naman naghahampasan na habang tumatawa. Hindi ko alam kung anong nakakatawa pero sinasabi ko lang naman ang tinuro nila sa'kin. "Sabihin nyo kasi kung mali yung pagkakasabi ko. Nakakainis naman kayo eh! Ayoko na nga!"

"Teka dude! Kasi naman kayo, wag nyo ngang pagtawanan si Trav. Nahihirapan na nga yung tao eh." Sabi ni Val. Mabuti na lang at naiintindihan nya ako. "Sige na, last na talaga. Mga loko 'tong mga to eh parang di mga kaibigan kung makatawa. Hoy magsitigil na kayo!!! Game na ulit si Trav."

Umupo si Zak at tumigil na sila sa pagtawa. "Game, seryoso na kasi. Wag na kayong tumawa." Tumigil ako at bumwelo. "Medusa, sana flower ka na lang at bubuyog ako – para kahit anong oras pwede kong kainin ang flower mo." At iniabot ko ang bulaklak sa invisible Medusa. Walang tumawa, nakatitig lang sila sa'kin. Mukhang tama ang nagawa ko. Hindi sila nagrereact at isa-isa silang tumayo. Napangiti ako kasi mukhang tama ang ginawa ko –

"WHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!! THE BEST YUN!!!!" malakas na tawa ni Val habang hinahampas yung pader.

"HAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHA ba – bakit nyo kasi tinuturo kay Trav yun!! HAhahahahahahahaha!!!" Gumugulong na si Zak sa sahig.

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon