EIGHTEEN: CHANGE PARTNERS

52.2K 1.2K 144
                                    

Hello everyone, sana nakakaboto kayo at nakakapagcomment at susubukan ko talagang magupdate ng mabilis. Thank you. Tulungan tayong lahat. Hahaha. <3 

******************

EIGHTEEN: CHANGE PARTNERS

 

VIENNA'S POV

 

"Boo!"

"Ay palakang busabos!" nagulat ako ng may humawak sa bewang ko. Muntik pa kong mauntog sa locker ko.

"Ah grabe naman! 'tong gwapo kong 'to mukhang palakang busabos? Meron ba nun?" sumandal pa sya sa katabi ng locker ko.

"Ha. ha. ha. Pwede ba duck wag mong hintaying palitan ko ng 'f' ang 'd' at yun ang itawag mo sa'yo!" isinara ko ang locker ko and I turned my back on him.

"Uy sandali lang." Sumunod sya sa'kin. "Uuwi ka na?"

"Hindi. Hindi. Papasok palang." I rolled my eyes.

"Right. Nakalimutan ko nga palang ikaw si Miss Pilosopo." nagfake smile lang ako at nagpatuloy sa paglakad. "Joke lang. Kung wala kang gagawin uhm - punta tayo sana sa house party ni Rich."

Tumigil ako at humarap sa kanya. "Kung wala kong gagawin. Kaso sobrang dami kong gagawin. Bawal magsayang ng oras lalo na sa house party na yan!" at tumalikod ako sa kanya at nakasalubong namin ang isang gwapong nilalang sa lupa. "Hey." Ngumiti ako pero di nya ko pinansin.

"Dude ano? Sya ba yung kasama mo sa party?" tanong ni Trav kay duck.

"Hindi dude eh. Ikaw ba?" sabay turo sa isang maliit na babaeng kasama ni Trav na mukhang pamilyar. Teka - magjowa ba sila. >:(

"Hindi din eh. Tayo na lang siguro." malumanay nyang sabi.

"Wait!" sabay naming sabi nung babae pero nauna na kong magsalita. "Actually tapos ko na palang gawin yung mga dapat kong gawin. So pwede akong sumama." nakatitig ako at nakangiti kay Trav pero hindi man lang sya tumingin sa'kin. Nakatingin lang sya dun sa bubuwit na kasama nya.

"Nagtext si tito kanina, sarado na daw yung shop so pwede ko na daw gawin gusto kong gawin. Hurray!" sigaw nung bubuwit.

"Great!" sabay na sabi ni duck at Trav na parang masama ang tingin sa isa't-isa.

Umalis kami ng school. Nakasakay ako sa kotse ni Duck at kasunod namin ang kotse ni Trav kasama ang bubuwit na babae. "Bakit nagbago ang isip mo?"

Tanong ni Duck. "May rule ba na bawal magbago ang isip? Di kasi ako informed!" at nagretouch na lang ako.

"Wag ka ng mag-ayos. Nakita na nga kitang matulog na tulo ang laway no." tiningnan ko ng masama si duck.

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon