FOUR: THE UNFORGETTABLE DATE

76.2K 1.6K 126
                                    

FOUR: THE UNFORGETTABLE DATE

TUCKER'S POV

Time for revenge. Mabuti na lang at mga fans ko ang kaibigan nitong suklay na 'to. Natuloy naman ang date namin. Hindi ko din alam kung anong plano nya pero kung ano man yun uunahin ko ang plano ko syempre.

"Miss kunin mo lahat ng orderin ng babaeng kasama ko tapos ilagay mo lahat sa'kin." Sabi ko sa waitress bago ako lumapit sa babaeng 'to. Nang makita kong nakaalis na yung waitress tsaka ako lumapit. "So nakaorder ka na?"

"Yes." Ang polite nya ngayon ha.

"Dapat inorder mo na lahat ng favorites mo. Treat ko naman 'to." Ngumiti lang sya. "So pwede ko bang malaman yung name mo?" tiningnan nya lang ako. "Come on, name lang naman oh."

"Vincy – Vincy Ennarise Perithon." Nagzip sya ng juice after nyang sabihin yung name nya.

"Cool. What a nice name, very unique." I'm telling her the truth. Hindi ako nagsisinungaling.

"Here's your order sir." Ang dami nyang inorder at hindi ko alam kung anong klaseng mga pagkain 'to.

"Thank you." Nakangiti kong sabi sa waitress. Alright, kain time na. "So where's your order?"

"Yan nga yung orders ko! Mga favorite foods ko kaya yan." I know, pero iinisin ko sya. Kakainin ko lahat ng orders nya.

"Oh really? Pero sa'kin kasi 'to. Kung gusto mo umorder ka na lang ulit." Nakita kong naiinis na sya habang kinakain ko lahat ng inorder nya. Paborito nya 'tong mga 'to ang sasama ng lasa. "Pagkain ba 'to ng tao?"

"O akala ko ba orders mo yan? Bakit nagrereklamo ka?" Hindi na talaga sya umorder at pinapanood na lang nya ako.

"Hindi ka na ba oorder? Bahala ka sayang ang offer ko." Halos punung-puno na yung bibig ko sa sobrang pagkain pero wala akong pakialam. Maglaway ka ngayon dyan. "Ano titingnan mo na lang ba ako?"

Nakangiti lang sya sa'kin na parang natutuwa sa nakikita nya. "Siguraduhin mong may dala kang gamot sa sakit ng tyan ha. And oh, narinig ko kanina sira yung men's room dito so you have to hold on until you get home." Hindi ko alam kung anong sinasabi nya. Basta ako kumakain na lang.

"Ang sarap ng pagkain, sobra. Mouth watering, hmmmmmm. Gusto sana kitang bigyan pero ayoko. Umorder ka na lang ng sa'yo. Tsaka ganito pala mga favorites mo – " ang weird ng favorites nya.

"No! I don't eat those kinds of food." Bigla akong napatigil sa pagkain.

"What?" uminom ako ng juice at tumitig sa kanya. "But you said these are your favorites?"

"Yeah, I said that. Favorite na iwasan kasi alam mo 'tong kinain mo and that one," tinuro nya yung food na kakaubos ko lang, " – hindi maganda yung combination kasi sasakit yung tyan mo for 2 days."

"Bakit hindi mo sinabi!!!!" medyo kumukulo na yung tyan ko.

"I was about to pero sabi mo kasi orders mo yan so I assumed alam mo na." Nakangiti lang sya na parang sya pa ang may pinlano sa'kin.

"Sinadya mo 'tong gawin sa'kin no?" nagsisimula na kong mainis. Ako yung maghihiganti pero bakit ako yung naisahan.

"Hello, hindi ako mapaghiganting tao no! Wait a minute! Baka ikaw ang may planong masama sa'kin!!" bigla syang tumawa na parang mangkukulam. "So bumalik agad sa'yo yung dapat gagawin mo sa'kin?"

Napahawak ako sa tyan ko at parang nanlalamig na ko.

"You know what Duck, hindi ako magsasayang ng pera para kumain sa ganito kamahal na resto. Pangalawa, hindi ako kumakain ng mga paborito ko dahil ayokong balik-balikan ko sila dito kung ang price naman eh baon ko na for one week. At pangatlo, hindi ko gawaing kumain kasama ang hindi ko kilala. Dapat kasi nagresearch ka muna." Tumayo sya pero bigla ko syang nahawakan.

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon