THIRTY FIVE: THE BEST DAY EVER!

48.5K 1.2K 207
                                    

Hello everyone!! :) Dahil masaya ang lahat pakibasa ang new stories ko - Blazing Urge: Love Versus Lust and tRICky Destiny. Thank you so much. :)

love lots,
megladiolus

THIRTY FIVE: THE BEST DAY EVER!

 

 

VINCY’S POV

 

“Nung bago ka matulog naisip mo ba sya?” tanong ni Amber habang may hawak syang notebook.

“Oo?” di ko siguradong tanong.

Lumapit naman si Cherica sa’kin at tiningnan ang mga mata ko. “Okay naman. Nganga! Nganga dali!” Pinilit nyang ibuka ang bibig ko at tiningnan ang loob. “Okay. Pulso mo check natin.” Hinawakan nya ang pulso ko tsaka tumingin sa relo nya. “110 per minute.”

“Grabe, ganun kabilis?” gulat kong tanong sa kanila.

“Natutuwa ka ba sa pagiging sweet nya na hinahanap-hanap mo sya kapag wala sya sa paningin mo?” tanong Levz.

“Hindi sya sweet. Weird sya no.” Umiwas ako ng tingin sa kanya.

“Kapag nakikita mo ang katawan nya parang gusto mo syang hubaran at kapag napapadikit ka sa kanya nanghihina ka?” tanong ulit ni Levz pero bago pa ako makasagot nagsalita na sya ulit. “Confirmed!” Nagkumpulan silang tatlo.

“Tucker Fanton Syndrome! Positive na positive! May tama ka.” Sabay-sabay nilang sabi.

“Naiisip mo sya, Check!” sabi ni Amber habang binabasa ang sinulat nya sa notebook.

“Mabilis ang pulso ibig sabihin naiisip mo palang sya kinakabahan ka na. Check!” sabi ni Cherica.

“And most of all pinagnanasahan mo sya. Big Check for that!!” malakas na sabi ni Levz.

“Hey! Hindi ko sinabi yan no!” Tiningnan ko sila at seryoso lahat silang nakatitig sa’kin na parang sila pa yung badtrip.

“Vinz!!! Come on! Kailan pa nangyari na ang pasyente ang nagsabi sa doktor na ‘Doc, pakicheck up ako kasi mamatay na ako sa sakit kong Tucker Fanton Syndrome!’ Sige nga!” sigaw ni Amber.

“Pero assumptions nyo lang yan lahat. Hindi yan totoo!!” Yumuko ako at tinakpan ko ang mukha ko. “Mas lalo nyo lang akong pinapahirapan eh!!!”

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon