FOURTEEN: Dota Enemies or Dota Buddies?
SUZIE’S POV
Saan nga ba yung room ko? Sobrang laki naman nitong school na ‘to. Kaso mukhang sosyal lahat ng nandito. Kasi naman bakit dito pa ko pinag-aral, sabi ko naman okay na ko dun sa shop. Makakaipon din naman ako dun tsaka okay naman mga tao dun.
Ayun nakita ko na din sa wakas – ang room na malapit sa room ko. Grabe naman sa laki mga rooms dito. Pang large class.
“Tol mukhang batang naliligaw sa school natin ah.” Napatigil ako ng biglang may humarang na mga lalaki.
“Excuse me, dadaan ako!” nakapamewang kong sabi pero hindi sila umalis.
“Eh di dumaan ka.” Sinubukan ko silang lampasan pero di ko nagawa kasi humarang pa sila lalo. “Yun eh kung makakalampas ka.” Tsaka sila sabay-sabay na nagtawanan.
“Neng, inutusan ka ba ng nanay mong bumili ng suka? Nagkamali ka ata ng pasok.” At nagtawanan ulit silang lahat. Yung totoo? Anong nakakatawa? Joke na ba sa kanila yun? Wow, korni pala ng mga tao dito.
“Hoy kuya wala ako sa mood making sa korni mong joke kaya pwede ba chupi.” Seryoso kong sabi pero sumeryoso din ang mukha nila kuya. Dahan-dahan naman akong napapaatras pero pinalibutan nila ako. “A – anong gagawin nyo sa’kin? Kayo naman di kayo mabiro? Alam nyo ba ang salitang korni sa lugar naming ay gwapo ang ibig sabihin.”
“HOY BATA WAG MO NGA KAMING PINAGLOLOKO!” dahan-dahan silang lumalapit sa’kin at lumiliit ang space sa pagitan naming. “Alam mo bang kahit anong gawin naming sa’yo ngayon dito walang makakapansin?”
“Wag naman kuya. Mas maganda na din yung may makakapansin ng gagawin nyo. Alam nyo na para naman sumikat kayo at mapalagay sa dyaryo. MGA LALAKI NANGGAHASA NG ISANG MAGANDANG DALAGITA.” Nagpipicture na ko ng mga pwedeng mangyari.
“Maganda? Nasaan? Parang wala naman kaming nakita.” Tapos biglang tumigil si kuya. “GWAPONG LALAKI PUMATAY NG PANGET NA BATA. Ayun mas ayos yun.” Tapos nagtawanan na naman po sila. MGa baliw ata ‘tong mga taong ‘to.
“Kuya naman, wag naman ganun. Marami pa kong pinapaaral. Marami pang umaasa sa’king mga kapatid. Paano na lang sila kung mawawala ako?” syempre nag-iyak-iyakan na lang ako. Sana madala ko sila sa drama.
“Eh di magbanat sila ng buto para sa sarili nila. Pwede ba wag kang panira ng trip.” Papalapit na ulit sila sa’kin at di ko na alam ang gagawin ko. Sa sobrang liit ko hindi talaga mapapansin ng mga dumadaan na may babaeng napapaligiran ng mga panget na lalaki. Okay sana kung gwapo ‘tong mga ‘to baka hindi pa ko magreklamo kaya lang ang papanget.
Relax ka lang Suzie. Alam kong jinojoke lang ako nito nila kuya. Pumikit ako tsaka ko tinakpan ng mga kamay ang mata ko. “Hindi nyo na ako makikita. Hindi nyo na ako nakikita in 5, 4, 3, 2, 1.”
Tumahimik lahat, siguro nga naging invisible ako at natakot sila kaya sila umalis. Dahan-dahan kong tinanggal ang mga kamay ko na nakatakip sa mukha ko tsaka ko sila sinilip.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)
Narrativa generaleTucker Fanton's story with a bit of Trav Cai's. The playboy slash cool slash heartthrob will be dumped and challenged by a not so attractive girl from his school. Is this the end of Tucker Fanton's move or the beginning of a new story that he, himse...