TWENTY-NINE: DOUBLE BONDING

49.6K 1.1K 97
                                    

TWENTY-NINE: DOUBLE BONDING

VINCY'S POV

"Are you sure you're going to be okay? We can stay if you want." Sabi ni Levz.

Nagpapaalamanan lang naman kami ngayon dahil meron silang field trip.

"Okay lang ako. Gagawa na lang ako ng report about sa pupuntahan nyo kaya wag nyong kalimutang kumuha ng maraming pictures ng hindi kayo kasama ha!" I reminded them.

"Sabi naman kasi sa'yo pwede ka naming ilibre. Hindi mo na kailangang sabihin." Sabi ni Amber.

"I know. Kayo na ang rich. Pero ang pera nyo ay galing sa parents nyo so no! Isa pa mas gusto ko na yung maiwan kesa sumama tapos tutunganga lang ako." Sagot ko.

"Don't worry Vinz, papasalubungan ka namin." Nakangiting sabi ni Cherica.

"Umakyat na kayong lahat sa bus, aalis na tayo!!" sigaw ng head teacher.

"Need to go Vinz." At nagbeso sila sa'kin isa-isa.

"Parang ayokong iwanan si Vinz kasi wala syang makakasamang friend." Pag-aalalang sabi ni Levz.

Tumingin ako sa paligid at nakita ko si Suzie. "Don't worry - I have someone while you're gone."

"Si Tucker? Oo nga naman, balita ko hindi sumama ang Sterke Geest. Sayang naman. Anyway, gotta go. Later, Vinz." Paalam ni Amber sa'kin bago sila umakyat tatlo sa bus.

Kumaway ako sa kanila habang isa-isang umalis ang bus. Hindi naman ako naiinggit. Sobrang mahal kaya ng bayad. Hello! Mahirap kitain ang pera at di ko sasayangin ng dahil sa ganito lang.

Nilapitan ko si Suzie habang busy sya sa pagsusulat. "Hey, Suzie."

Tiningnan nya ako. "Hello." At ipinagpatuloy nya ang pagsusulat.

"Thanks pala ulit sa pagtulong sa'kin nung nakaraan." Umupo ako sa tapat nya.

"Wala yun. Kulit mo din." Sagot nya pero hindi sya nakatingin sa'kin.

"Report ba yan?" tanong ko habang nakasilip sa sinusulat nya.

"Ah oo, nagawa na kasi ako ng draft. Mas maganda na yung maaga kesa malate." Finally humarap din sya sa'kin at ngumiti.

"Oo nga naman. Magsisimula na rin ako siguro pagkatapos ng trabaho ko ngayong araw." Maigsi kong sagot sa kanya.

"Trabaho? Working student ka din?" tumango ako. "Wow, hindi pala ako nag-iisa. So anong work mo?"

"Uhm - dance tutor, choreographer, waitress at star dancer sa Oquenin." Sagot ko sa kanya.

"Araw-araw mo ba yung ginagawa?" tumigil sya sa pagsusulat at mukhang naging interesado sa buhay ko.

"Yung sa Oquenin, oo araw-araw, kapag hindi ako magtuturo kay Duck, ayun may pasok ako. Tapos choreographer naman dun sa mga batang sumasali sa dance competition. Nirerecommend lang din naman nila ako. Yun ang hindi araw-araw. Sobrang bihira yun pero malaki yung bayad." Sagot ko.

"Wow, bakit dito ka pa pumapasok? Hindi ka ba pinagaaral ng parents mo?" Oh well, interesado nga sya sa buhay ko.

"Nagpapadala naman si papa pero hindi napupunta ng tama sa'kin kasi hinaharang ng magaling kong step mom, ang mom ni Yvonne. Tapos ako pa ang dinadahilang malakas sa gastusin. I mean, pwede naman talagang ako ang maging dahilan kasi papa ko ang nagtatrabaho pero hindi naman talaga ako malakas sa gastusin kaya naman nagtatrabaho ako para sa sarili ko." I smiled. "Ikaw, anong work mo?"

"Bantay ako sa shop. Sila uncle ang nagpapaaral sa'kin. Sa totoo lang ayoko na talagang mag-aral lalo dito, sobrang mahal. Pero sabi nila di daw ako aasenso kung hindi ako mag-aaral. Nakakabuwisit nga dito palagi akong pinagtatawanan. Isa nga lang ang nagta-tyagang kumausap sa'kin dito." Bigla syang namula.

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon