TWENTY-SIX: NEW FOUND FRIENDS

43.9K 1K 58
                                    

TWENTY-SIX: NEW FOUND FRIENDS

 

 

VINCY’S POV

 

 

“Kalat na kalat na sa buong school. Ang haba nga ng buhok nitong si Vinz.” Sabi ni Amber.

“Nasupalpal daw ang leaders ng Urvent. Ewan ko ba dito kay Vinz bakit hindi nagbigay ng comment sa media nung tinatanong sya.” Sabi ni Cherica.

“Naiingiit na talaga ako dito kay Vinz. Sobrang close na nila ni Tucker sugar. Samantalang kami dati pinakamatagal na naming usap ay 5 minutes tapos parang di pa sya nakikinig.” Sabi ni Levz.

“Earth to Vincy! Are you with us?” tanong ni Amber kaya naman napatingin ako sa kanila.

“I am listening girls. Una, kumalat yung nangyari kasi may mga nagaudition dun na taga dito sa school. Second, gugulo lang ang mundo ko kapag nagsalita ako ng against sa kanila sa media. Mababash lang ako. Baka nakakalimutan nyo, international group sila. Parang binangga ko ang pinakamalaking pader sa school natin. Di na uy.” Tumingin ako kay Levz. “Wala kang dapat ikainggit, hindi din naman kami ganun ka-close. As in parang kayo lang din. Walang special treatment.” Biglang inagaw ni Cherica ang phone ko.

“Walang special treatment? Talaga? Eh ano ‘to?” binasa nya ang nasa phone ko. “Girls listen.”

“Cher!!!!! Give me back my phone!!” sinubukan kong agawin ang phone ko pero pinigilan ako ni Levz.

“Go Cher, basahin mo.” Sabi ni Levz habang hawak-hawak ako.

“Oh from Tucker pala ‘to. And here it goes, for sure naman mamimiss mo ko. Wala na kasi ang hot at handsome na tulad ko sa tabihan mo. Hehe.” At bigla silang sumigaw tatlo. “Ito pa, don’t worry about what happened last time. Kapag ginulo ka nila akong makakalaban nila. Ikaw pa ba? Malakas ka sa’kin.” At hindi ko na ulit napigilan ang pagsigaw nilang tatlo.

Habang busy sila sa pagsigaw at sa paghahampasan mabilis kong inagaw ang phone ko kay Cherica. “Alam nyo ang sasama nyo. Gawin daw ba akong show!!”

Naglapitan sila sa’kin at nagsulputan ang mga ulo sa tabihan ng ulo ko. “So Vinz, kayo na ba?”

“Kayo nino?” tanong ko sabay sabunot nilang tatlo sa’kin.

“Aray ha! Wag nyo namang sirain ang buhok ko. Pinaayos yan ni Duck!!” inalis ko ang mga kamay nila.

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon