FIFTY SEVEN: LOVE AND FORGIVENESS

31.7K 787 72
                                    

FIFTY SEVEN: LOVE AND FORGIVENESS

VINCY'S POV

Pinatawag na naman ako ng doctor ko. Last time na nagpunta ako dito hindi magandang balita ang sinabi nya sa'kin. Natatakot ako ngayon sa kung anong sasabihin nya.

"Ms. Perithon, good morning." Sabi ni Doc pagpasok nya ng clinic.

"Doc, please kung mas lumalala na ko wag nyo na lang pong sabihin. Natatakot po ako. Last time po na nagpunta ako dito hindi ko po talaga alam kung paano haharapin ang pamilya ko ng di nila nahahalata." Naiiyak na ako habang kinakausap ko si doc.

"Relax, Ms. Perithon. Actually I have a good news." May kinuha syang mga papers. "These are the results of your tests last week. Dahil iniinom mo naman ang mga gamot na nireseta ko nagkaroon ng changes ang infection at ang mga cells na naform. Nabawasan sila."

"Ano pong ibig nyong sabihin?" Nawala ang kaba at takot ko.

"I am sorry kung sinabi ko sa'yo last time na wala ng pagasang mawala ang cells and infections pero hindi ako sumuko at nagconduct ako ng several test at ito ang nakita namin ng mga kasama ko. Matagal ka pang mabubuhya Ms. Perithon. All you have to do is take your medicines." Kinuha nya ang prescription pad nya. "Reresetahan kita ng bagong gamot. Mas malakas at matindi 'to dun sa una mo kaya tatandaan mo kung nakainom ka na ba or hindi dahil pwedeng magcause to ng side effects." Nagsulat sya at ibinigay nya sa'kin. Lutang pa rin ako sa mga sinabi nya at hindi ako makapaniwala.

"Doc, basta inumin ko lang po ba itong mga gamot na 'to gagaling na ako?" tanong ko sa kanya.

"Exactly. Medyo may katagalan nga lang. Syempre pupunta ka pa rin dito for check ups. Mga one year okay ka na. Babalik ka na sa dati." Iniabot nya sa'kin ang reseta. "And also, yang last part na gamot once a day mo lang yang iinumin. Wag kang malilito kasi kapag nagkamali ka pwedeng bumaba ang dugo mo or duguin ka."

Binasa ko ang mga gamot at iba na nga yun sa mga ibinigay nya sa'kin. "Uhm, doc ano pong mangyayari kapag hindi ko nainom ang mga 'to?"

"Ms. Perithon, hindi ko inaadvice na wag mong inumin ang mga yan. Alam mo naman siguro na ako ang best doctor dito, at kapag hindi mo ininom ang mga yan less than a year maari kang mamatay." Kinabahan ako sa sinabi nya.

"Iinumin ko po ang mga gamot na ito. Marami pong salamat. Sasabihin ko rin po ang balita sa family ko." Tumayo ako at kinamayan si doc tsaka lumabas ng clinic nya.

Masayang balita 'to dahil makakasama ko pa ng matagal si Duck at ang – magiging baby namin. Napahawak na lang ako sa tummy ko. Meron nga palang dugo na nabubuo sa loob ko ngayon and in time magkakaroon na sya ng heartbeat. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Naiiyak ako na excited. Ganito pala ang pakiramdam kapag magiging mommy ka na.

Umuwi ako sa bahay at nagpahinga. Hindi muna ako pinaghahanap ng trabaho ni papa at ni Duck. Magpahinga na lang daw muna ako hanggang makapanganak ako. Sila na lang daw munang dalawa ang bahala sa'kin. Napakaswerte ko sa dalawang lalaki sa buhay ko. Hindi nila ako pinapabayaan. Mahal na mahal nila ako. Minsan nga silang dalawa na ang parang magtatay. Nakakatuwa lang isipin na kasama ko sila sa lahat ng mangyari sa buhay ko. Ngayon madadagdagan na ulit ang family namin. Hindi ko maiwasan ang mapangiti.

******************

TUCKER'S POV

"Ayoko nga sinabi nyan. Gusto ko yung yema cake ni Aling Marta!!" sigaw sa'kin ni Vive. Hindi ko alam kung paano nya nalalaman na hindi yema cake ni Aling Marta ang dala-dala ko. "Sinasabi ko sa'yo Duck!! Hindi ako natutuwa sa panloloko mo sa'kin!! Yema cake ni Aling Marta ang gusto ko!!"

"Pero pang sampung yema cake na 'to Vive. Ala una na ng madaling araw. Sarado pa si Aling Marta!! Isa pa sa probinsya pa yun. Baka pwede na 'to." Alok ko sa kanya at binato nya lang ako ng unan.

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon