(Sa Palasyo ni Jezebel sa Daigdig ng Hades, naglakad patungo sa dungeon nito si Michal at ang kanyang alalay na si Panthera. Doon ay pinuntahan nila ang isang ibinilanggo na Lamian Beast na nagngangalang Arrow Lamian. Nakagapos sa poste ang nasabing halimaw ng kadena at nakaselyo ang kapangyarihan sa pamamagitan ng isang papel na may orasyon. Binuksan ng mga Lamian Trooper ang pintuan ng selda at pumasok doon si Michal at Panthera.)
Michal:Nagsisisi ka na ba sa katigasan ng iyong ulo?
Arrow Lamian:Kamahalan, patawarin po ninyo ako sa aking pagsuway. Nadala lamang po ako ng aking pagnanais na manghuli at pumaslang ng ating mga kaaway.
Michal:Kung ganoon ay mabibigyan ka ng pagkakataon. Ang iyong pagnanais na tumugis at pumaslang ng mga kaaway natin ay maipagkakaloob sa iyo. Madargdagan ka pa ng kapangyarihan. Kaya ihanda moa ng iyong sarili. Ibuhos moa ng iyong galit laban sa ating mga kaaway partikular ang Prinsesa at Prinsipe ng Menonia.
(Sumang-ayon ang nasabing Lamian Beast sa sinabing iyon ni Michal.)
Narrator:Mabagsik na Panunugis.
(Sa isang banda naman, nagkaroon ng isang programa noon sa The Blessed Mother Academy. Hindi pumasok sa paaralan ng pagkakataong iyon ang mga magaaral. Ang tanging naroroon lamang ay ang mga guro at iba pang faculty at staff ng nasabing paaralan. Ang mga babaeng guro at faculty ay nagsagawa ng Zumba at ang mga lalaking guro at faculty naman ay naglaban ng basketball. Masayang nakisali sa Zumba si Liezel at si Eddie sa basketball. Pagkalipas ang ilang sandali ng pakikibahagi sa nasabing mga gawain, nagkita si Liezel at Eddie saka namahinga habang umiinom ng tubig.)
Liezel:Hi Eddie!
Eddie:Prinsesa! Mukhang pawis na pawis ka ah.
Liezel:Oo nga eh. Halos isang oras din kasi ang ginawa naming zuma. Ikaw din Eddie. Basang basa ka rin ng pawis.
Eddie:Oo tama ka. Ilang round din ang laban na isinagawa namin kaya pinagpawisan din ako nang todo.
Liezel:Nag-enjoy ka ba sa ginawa natin ngayong araw? Masaya kasi ako sa mga isinagawang gawain ngayong araw.
Eddie:Masaya din naman ako. Masaya ako na makalaro ang mga co-teachers natin at siyempre kapag kasama ko ikaw.
Liezel:Ayan ka na naman eh! Pinapakilig mo na naman ako diyan sa mga sinasabi mo. Binobola mo na naman ako!
Eddie:Hindi kita binobola. Totoo naman na masaya ako kapag magkasama tayo maging bilang guro o mga mandirigma.
Liezel:Sige na nga, naniniwala na ako sa sinasabi mo. Masaya din naman ako na magkasama tayong dalawa sa maraming bagay.
Eddie:Mabuti naman at sinabi mo iyan sa akin. Mamaya-maya lang, maguumpisa na ang mga bago nating activities.
(Nagpalitan ng halik sa pisingi ang dalawa bago sila maghiwalay patungo sa kani-kanilang mga gawain. Pagkatapos non ay muling nakipagsayaw ng Zumba si Liezel at si Eddie ay muling nakipaglaro ng basketball sa kanilang mga co-teacher. Sa isang banda naman, si Michal ay naghahanda sa kaniyang pakikipaglaban. Pinakawalan sa bilangguan ang Lamian Beast at isang Lamian Bionoid ang ipinatawag. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Michal, nagsanib ang Lamian Beast at ang Lamian Bionoid at nabuo ang isang bagong halimaw na nagngangalang Arrow Synchroid.)
Panthera:Kamahalang Michal, nagbago po ang anyo nung halimaw na ibinilanggo ninyo.
Michal:Isa nang Lamian Synchroid ang dating Lamian Beast. Sa pamamagitan ng pakikisanib ng Lamian Beast sa Lamian Synchroid, siguradong naragdagan ang kapangyarihan ng halimaw na iyan.
BINABASA MO ANG
ELEMENTAL PRINCESS ROVINA
Fantasy50,000 years ago, the ancient civilization of Menonia was destroyed by the Lamian Empire, which is a group of undead creatures from the world of Hades. They were however sealed by Menonia's last queen for the next 50,000 years. In the year 2012, the...