(Isang bus noon ang bumibiyahe patungo sa Bilibid Muntinlupa. Bantay sarado ito ng mga pulis. Walang anu-ano ay humarang daraanan ng bus ang pangkat nina Angelica at Bernard. Armado sila ng mga malalakas na assault rifle. Nang medyo malapit na ang convoy ng pulis at mga bilanggo, kinabitan ni Angelica ng rifle grenade ang dulo ng kanyang assault rifle at nilagyan naman ni Bernard ng grenade shell ang nakakabit na grenade launcher sa kanyang assault rifle. Pagkatapos non ay saka nila pinasabugan ang daraanan ng convoy. Napilitang huminto ang convoy. Pagkatapos non ay bumaba ang mga pulis dala ang kanilang mga assault rifle at naghanda sa pakikipaglaban. Bagaman mas marami ang mga pulis, silang lahat ay napatay ng pangkat nina Angelica. Pagkatapos mapatay ang mga pulis ay saka naman sila nagtungo sa bus ng mga bilanggo. Doon ay kinuha ni Angelica at Bernard ang dalawang notorious na mga hired killer. Ang mga ito ay isang babaeng hired killer na kilala sa alyas na Dark Panther at isang lalaking hired killer na kilala sa alyas na Dark Tiger.)
Dark Panther:Sino ba kayo at ang inyong pangkat?
Dark Tiger:Bakit nyo kami tinutulungang makatakas?
Angelica:Mamaya na namin ipapaliwanag sa inyo doon sa aming hideout.
Bernard:Ang mahalaga ay makalayo muna tayo dito.
(Pagkatapos mailigtas si Dark Panther at Dark Tiger ay pinagbabaril nina Angelica at Bernard ang mga nalalabing mga bilanggo. Pagkatapos na mapatay ang lahat ng nasa convoy, ipinasok ang lahat ng mga bangkay sa mga sasakyan. Kinabitan ni Angelica at ng mga Dark Nymph ang kanilang mga assault rifle ng mga rifle grenade at nilagyan naman ni Bernard at mga Dark Ghoul ng grenade shells ang nakakabit na grenade launcher sa kanilang mga assault rifle. Pagkatapos malamanan ng mga pampasabog ang kanilang mga armas ay saka nila pinasabog ang mga sasakyan ng mga pulis. Agad naman silang umalis pagkatapos na makuha ang kanilang mga pakay.)
Narrator:Baluti ng Kadiliman.
(Pagkatapos na maitakas sina Dark Panther at Dark Tiger ay agad na nagtungo sina Angelica at Bernard sa kanilang hideout. Doon ay ipinaghanda nina Angelica at Bernard ng hapunan ang dalawang bilanggo na kanilang naitakas.)
Angelica:Kayong dalawa ang aming panauhin ngayon sa aming hideout kaya magpakabusog kayo.
Bernard:Ang mga espesyal na panauhin tulad ninyo ay nararapat lamang bigyan ng espesyal na pagtrato.
Dark Panther:Maraming salamat pala sa pagtatakas ninyo sa aming dalawa sa bilangguan.
Dark Tiger:Siguradong may interes kayo kaya ninyo kami pinagtiyagaan na maitakas.
Angelica:Tama kayo. Kami ay interesado sa inyong dalawa. Kilala kayong dalawa sa mundo ng mga kriminal bilang mga mahuhusay n mga hired killer.
Bernard:At ang inyong kakayahan sa pagpatay ang kailangan namin para sa ipagtatagumpay ng aming grupo.
Dark Panther:Kung ganoon, sabihin nyo sa amin kung sino ang aming mga papatayin.
Dark Tiger:Handa kaming pumatay basta ba tama ang inyong ibabayad sa amin.
Angelica:Darating din tayo diyan. Pero sa ngayon ay mag-enjoy muna kayo dito sa aming hideout.
(Inilabas ni Bernard ang dalawang bag na may laman na tig-10 milyong piso.)
Bernard:Iyan ang aming paunang bayad sa inyong dalawa para sa aming ipagagawang misyon.
Dark Panther:Napakalaki kaagad ng ibinabayad ninyo sa amin!
Dark Tiger:Nakatitiyak ba kayo sa inyong ginagawa?
BINABASA MO ANG
ELEMENTAL PRINCESS ROVINA
Fantasy50,000 years ago, the ancient civilization of Menonia was destroyed by the Lamian Empire, which is a group of undead creatures from the world of Hades. They were however sealed by Menonia's last queen for the next 50,000 years. In the year 2012, the...