EPISODE 08

65 3 0
                                        

(Sa The Blessed Mother Academy, abala ang mga guro at mag-aaral para sa isinasagawang exhibit ng iba't-ibang gawang sining ng bawat section. Sa pagsisimula ng palatuntunan, nagbigay ng talumpati si Sister Theresa Magbuela.)

Sister Theresa:Maligayang araw sa inyo mga guro at mag-aaral ng ating mahal na paaralan. Naririto tayo ngayon upang isagawa ang taunang patimpalak sa sining kung saan ang bawat section ay gagawa ng isang obra maestra. Ito ang mga category ng bawat entry na ipapasok sa ating gaganaping patimalak:painting, sculpture at architecture.Ang bawat section ay gagawa ng tigiisang entry para sa mga nabanggit na mga kategorya. Malaya ang bawat section na gumamit ng kahit anong materyales na gagamitin para sa ating patimpalak. Hindi magiging bahagi ng scoring kung mahal o mura ang mga ginamit na materyales. Basta makagawa kayo ng mga likhang sining na maipagmamalaki, iyon lamang ang mahalaga. So ngayon ay pormal ko nang pasisimulan ang nasabing patimpalak. Nawa'y makagawa tayo ng mga magagandang likha ng sining. Yun lamang at pagpalain tayo ng Dios!

(Nagpalakpakan ang mga magaaral at mga guro matapos ang isinagawang talumpati ni Sister Theresa.)

Narrator:Sining At Kasamaan

(Pagkatapos ng isinagawang announcement ni Sister Theresa, agad naman na tinipon ng bawat guro ang kanilang mga advisory class. Nag-usap-usap sila tungkol sa kung ano ang magiging tema ng kanilang magiging entry para sa art contest. Maging si Liezel ay tinipon ang kanyang advisory class upang mapagplanuhan ang kanilang magiging presentation.)

Liezel:Okay Miss Hannah our class president, you may now precide the meeting.

Hannah:Yes Maam. Okay, any nomination for our theme for this coming arts competition?

Billy:Miss President, i suggest na tutal si Maam Ocampo ay nagtuturo ng English, bakit hindi natin gawing theme yung Classical Literature?

Hannah:Okay we now have one theme. Any other suggestion?

Janice:I would suggest Medieval Literature for our theme Miss President.

Hannah:Okay that would be our second option. One last option for our theme.

Enrico:Greek Mythology o di kaya kahit anong form ng Ancient Literature!

Hannah:Okay we now have three different options.

Lannie:I move that the nomination for the theme of our exhibit be closed.

Grace:I second the motion.

(Pagkatapos ng nomination ay nagtungo na sa pagboto ang mga magaaral para sa tema ng kanilang gagawing exhibit para sa arts competition. Ang klase ni Liezel ay mayroong 40 magaaral kasama na ang kanilang pangulo na si Hannah. Nakatanggap ng 13 boto ang Classical Literature, ang Medieval Literature naman ay nakatanggap ng 11 boto at ang Ancient Literature ay nakatanggap ng 15 boto.)

Hannah:Okay. Now our theme would be Ancient Literature. I now give the floor to our adviser, Maam Liezel Ocampo.

Liezel:Thank you Miss Hannah. Now i will divide the class into 3 groups. There will be a group assigned to painting, sculpture and architecture. In every group there will be a leader, an assistant and of course the members. Miss Hannah will not be on any committee pero regular niyang i-checheck ang mga artworks ng bawat group. Kailangan ko ang cooperation ninyo para mayroon tayong maachieve sa competition. Do i make my self clear?

Class:Yes Maam!

Liezel:Alright. Miss President, ipasa mo sa akin mamaya after class ang mga committee para sa bawat art works pagkatapos ng aking last period mamaya.

ELEMENTAL PRINCESS ROVINAMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon