EPISODE 14

28 1 0
                                    

(Sa Daigdig ng Hades sa palasyo ni Jezebel, pinarusahan niya ang kanyang mga alagad na sina Betzer, Ragnar at Michal dahil sa sunud-sunod na pagkatalo kay Rovina. Tumira siya ng kuryente mula sa kanyang mga daliri at pinahirapan ang tatlo.)

Jezebel:Mga lintik kayo!!! Hanggang ngayon ay hindi nyo pa rin natatalo ang Prinsesa Ng Menonia? Mga walang silbi!!

Betzer:Kamahalan, patawarin nyo po kami!

Ragnar:Pinalad lamang po siya sa pakikipaglaban sa amin.

Michal:Matatalo din po namin siya. Pangako iyan! 

Jezebel:Ilang beses niyo na iyang sinasabi subalit wala pa ring nagaganap na magandang resulta ang inyong mga pangako! Sa pagkakataong ito, ako na ang gagawa ng paraan upang tapusin ang Prinsesa Ng Menonia. 

Narrator:Ang Prinsesa Ng Kadiliman.

(Sa The Blessed Mother Academy, nagpatawag ng isang pulong si Sister Theresa sa mga faculty ng nasabing paaralan.)

Sister Theresa:Magandang araw pala sa inyo mga mahal ko'ng guro at mga staff. Nais ko palang ipakilala sa inyo ang pinakabagong guro sa ating paaralan. Graduate siya ng BSEd History at mayroon siyang mataas na passing rate sa ginanap na Licensure Examination for Teachers. Ipinakikilala ko sa inyo si Mr. Eduardo Gonzales.

(Nagpakita ang nasabing guro sa mga faculty at pumalakpak naman ang faculty.)

Eddie:Marami pong salamat Sister Theresa sa pagtanggap sa akin sa paaralang ito. Pwede nyo po akong tawagin sa palayaw na Eddie. Marami din pong salamat sa mainit ninyong pagtanggap sa akin mga kapwa ko guro. Unang pagkakataon po na magtuturo ako sa isang Catholic school.  Isa po itong malaking karangalan sa akin. Ipinapangako ko po na makikipagtulungan sa inyong lahat at ibigay ang lahat ng aking makakaya bilang guro.

(Muling nagpalakpakan ang mga kasapi ng faculty matapos ang maigsi niyang pananalita.)

Sister Theresa:Maraming salamat muli at maligayang pagdating sa aming paaralan Ginoong Gonzales. Inaasahan kong magiging mahusay ka'ng guro sa paaralang ito. At sa mga faculty members, inaasahan kong maging mabuting kasama din kayo sa bagong kasapi ng ating pamilya. Muli maraming salamat sa pagdalo sa ating meeting. 

(Nagpalakpakan muli ang mga kasapi ng faculty. Lumapit si Eddie sa mga kasapi ng faculty at isa-isang nakipagkamayan sa kanila. Matapos ang pakikipagkamay at pagpapakilala sa mga guro, hindi naglaon ay kay Liezel na siya nakipagkamay at nagpakilala.Bahagyang natigilan ang dalawa matapos na magkamayan. Tila mayroon silang kakaibang naramdaman sa isa't isa.)

Liezel(bumubulong sa isip):Bakit ganito? Mayroon akong kakaibang nararamdaman sa kanya? Parang mayroon siyang kakaibang enerhiya na wala sa pangkaraniwang tao.

Eddie(bumubulong sa isip):Ikaw na nga siguro ang matagal ko nang hinahanap. Hindi ko naramdaman sa iba ang ganitong klase ng enerhiya.

(Napansin ng mga kapwa nila guro na natigilan ang dalawa matapos na makipagkamayan.)

Female Teacher:Ms. Ocampo, Mr. Gonzales, ayos lamang ba kayo?

(Tila nagulat ang dalawa nang mapansin sila ng mga kapwa nila guro.)

Liezel:Ah eh oo.Ayos lang kami.

Eddie:Oo ayos lang kami. Medyo napaisip lang.

Female Teacher:Ah ganun ba? Sige, mauuna na ako. May klase pa ako ngayon. 

ELEMENTAL PRINCESS ROVINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon