EPISODE 16

39 0 0
                                    

(Sa isang lihim na lugar, nagkaroon ng paguusap si Aine at si Eddie.)

Aine:Salamat muli sa pagtulong at pagliligtas mo sa aking mahal na anak.

Eddie:Isa po iyong karangalan para sa akin,Mahal ko'ng Reyna.

Aine:Huwag mo sanang mamasamain ang aking katanungan Prinsipe Hannibal subalit maaari mo bang sabihin ang iyong tunay na intensyon sa pagparito sa Daigdig?

Eddie:Mahal Na Reyna, alam nyo naman po siguro ang aking katungkulan ngayon bilang pinuno ng ating mga kalahi. Ang mga nakaligtas pong mga Menonian sa paglusob ng mga Lamian ay nasa ilalim ng aking pamamatnubay sa ngayon. Bagaman naging mahusay naman po ang pamumuno ng mga namumunong humawak sa mga Elemento Ng Hari, hindi pa rin po ganap na nakakabangon ang ating lahi. Kailangan pong muling magkasama ang Hari At Reyna Ng Menonia upang ganap nang manumbalik an gating lahi na nasa labas ng Daigdig. Kaya ipinamamanhik ko sa inyo na hingin ang kamay ng Mahal Na Prinsesa. Kailangan po naming magsama upang manumbalik nang ganap ang ating lahi.

Aine:Prinsipe Hannibal, makinig ka sa akin. Mayroong tatlong pinakamahahalaga sa aking puso. Ang aking pinakamamahal na asawa, ang aking pinakamamahal na anak at ang ating mga kalahi ganoon din ang lahat ng mga may-buhay na nilalang. Bagaman sang-ayon ako sa iyong pagnanais na manumbalik ang ating lahi, mahalaga din naman sa akin ang kaligayahan ng aking anak. Gusto kong magpakasal siya sa isang nilalang na magmamahal sa kanya at mahal din naman niya. Isa pa, lahat ng mga nagiging Hari At Reyna ng Menonia ay nagpapakasal nang dahil sa pag-ibig. Ganap lamang na nagigising ang kapangyarihan ng Mga Elemento Ng Hari At Reyna kapag nagmamahalan ang mga nagmamayari ng mga ito. Kaya ito lamang ang aking masasabi. Kailangan mo munang mahalin ang aking anak at mahalin ka rin niya. At ang pagkakataong iyan ang hindi ko ipagkakait sa iyo. Hahayaan kitang gumawa ng paraan upang mahulog ang loob sa iyo ng aking anak.

Eddie:Hindi ko po kayo bibiguin aking Reyna. Gagawin ko po ang inyong ipinagbibilin.

Aine:Huwag mo na lamang sanang banggitin sa aking anak ang tungkol sa panunumbalik ng ating lahi.Ayokong mapilitan siyang magpakasal sa iyo ng dahil lamang sa obligasyon bilang Reyna. Sa ngayon ay hahayaan kitang maging katuwang ng aking sa pakikipaglaban sa mga Lamians. Gusto ko ring ikaw ang magsanay sa kanya para maging malakas siyang mandirigma. Nagkakaintindihan ba tayo Prinsipe Hannibal?

Eddie:Masusunod po ang inyong nais Mahal Na Reyna.

(Tumayo mula sa pagkakaluhod si Eddie at muling nagbigay galang kay Aine.Inabot din ni Aine ang kanyang kamay at kinamayan ang binata.)

Narrator:Ang Panibagong Yugto Ng Labanan.

(Samantala, sa Palasyo Ni Jezebel, pinanood nina Betzer, Ragnar, Michal at Jezebel ang naganap na pakikipaglaban ni Rovina at Hannibal laban kina Beyrah at Gridon.)

Jezebel:Isang natatanging mandirigma ang Prinsipe Ng Menonia. Hindi pangkaraniwang husay sa pakikidigma ang kanyang ipinamalas sa pakikipaglaban niya kasama ang Prinsesa Ng Menonia noong nakipaglaban sila kay Beyrah at Gridon.

Betzer:Siya pong tunay aking Reyna. Aaminin ko po na napakahusay ngang makipaglaban ng dalawang iyan.

Ragnar:Iyan na nga po ang aming ipinagaalala Kamahalan.Magiging banta po silang dalawa sa isinasagawa nating pananakop!

Michal:Hindi po natin dapat silang hayaan na magtagumpay laban sa ating pananakop!

Jezebel:Huwag kayong mag-alala. Mayroon na akong ihinandang karagdagang taktika upang magamit laban sa mga kasumpa-sumpa nating kalaban.

(Umilaw ang mga mata ni Jezebel at lumitaw ang isang bangkay ng hayop. Hindi naglaon ay sumanib doon ang isang espiritu ng Lamian.Hindi naglaon ay nagpalit anyo ang nasabing bangkay at naging isang halimaw. Ang nasabing halimaw ay kahawig ng tao at may ulo ng gagamba, pakpak ng lacewing at sipit ng lobster. At ang katawan din ng halimaw ay balot sa armor plating ng horseshoe crab at may buntot ng alakdan. Natuwa naman sina Betzer sa kanilang nasaksihan.)

ELEMENTAL PRINCESS ROVINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon