(Sa The Blessed Mother Academy, ang mga magaaral ay naghanda na para umuwi sa kani-kanilang mga bahay. Isang babaeng estudyante ang noo'y naglalakad pauwi sa kanilang bahay. Walang anu-ano ay may lumitaw sa lansangan na isang kabaong. Natakot ang estudyante at nagmadaling tumakbo. Walang anu-ano ay tumindig ang kabaong, bumukas at may lumabas na tila laser na mga tali. Napuluputan at naigapos ang babaeng estudyante at hinatak papasok sa kabaong.)
Female Student:Tulungan nyo ako! Tulungan nyo ako! Saklolo!
(Walang nagawa ang babaeng estudyante. Nahatak patungo sa kabaong ang estudyante at sumara ang kabaong. Hinigop ng nasabing kabaong ang life force ng dalagita at pagkatapos ay iniluwa na state ng coma. Pagkatapos na mailuwa ang estudyante, nagpalit anyo ang kabaong at naging ang halimaw na si Casket Lamian.)
Casket Lamian:Sa pamamagitan ng life force ng mga tao, magkakaroon ako ng hindi mapapantayang lakas. At ang lakas na iyan ay magagamit ko para magapi ang aming mga kaaway. Ha ha ha!
(Pagkatapos non ay naglaho ang halimaw.)
Narrator:Ang Pagbangon Ng Mga Nahimlay.
(Nagpatuloy ng pambibiktima si Casket Lamian sa mga tao. Patuloy siyang nangaagaw ng life force sa mga tao. Padami nang padami ang naging biktima ni Casket Lamian.Sa isang banda naman, si Liezel ay nagpunta sa kanyang unang klase. Nagulat siya nang makita na kalahati lamang sa kanyang unang klase ang dumalo.)
Liezel:Kayo lamang ba talaga ang dumalo sa klase ko ngayon?
Male Student 1:Opo Maam.
Female Student 1:Kami lamang po talaga ang nakapasok ngayong araw.
Liezel:Sa atin lang kayang klase nangyari ito?
Male Student 2:Hindi po kami sigurado Maam.
Female Student 2:Pero baka nga po sa atin lang.
(Nakipag-usap pa si Liezel sa kanyang klase nang biglang dumating ang isa sa mga co-teacher ni Liezel.)
Female Teacher 1:Maam Liezel.
Liezel:Bakit Maam?
Female Teacher 1:Ilan po ang nasa una ninyong klase ngayon?
Liezel:20. 10 lalaki at sampung babae.
Female Teacher 1:Eh Maam, 10 lamang po ang pumasok sa klase ko ngayon!
Liezel:Ano'ng sinabi mo? 30 ang absent sa iyong klase?
(Di naglaon ay dumating din ang isa pang co-teacher ni Liezel.)
Female Teacher 2:Mga Maam, mabuti at nakita ko kayo. May hindi magandang nangyari sa klase ko.
Liezel:Bakit Maam? Ano'ng nangyari sa klase mo?
Female Teacher 2:Maam, wala nakarating kahit isa sa aking subject ngayong umaga.
Liezel:Mukhang may hindi magandang nangyayari dito sa school natin. Pero ano kaya ang dahilan nito?
(Habang patuloy na nagkakagulo sa school, bigla namang dumating ang kanilang school president na si Sister Theresa.)
Sister Theresa:Teachers, may malaki tayong problema ngayon. Tukoy na namin ang dahilan kung bakit marami tayong mga estudyante ang absent ngayon.
BINABASA MO ANG
ELEMENTAL PRINCESS ROVINA
Fantasy50,000 years ago, the ancient civilization of Menonia was destroyed by the Lamian Empire, which is a group of undead creatures from the world of Hades. They were however sealed by Menonia's last queen for the next 50,000 years. In the year 2012, the...
