(Sa kanilang hideout, pinaguusapan ni Angelica at Bernard ang kanilang susunod na plano laban kay Rovina at Hannibal.)
Angelica:Kinakailangan nating bumuo ng isang tiyak na plano para tuluyang matalo ang Prinsesa at Prinsipe ng Menonia.
Bernard:Ang isang magandang paraan upang tuluyan silang magapi ay ang magsugo ng malalakas na mandirigma na kayang kaya silang tapatan.
Angelica:Kung malalakas na mandirigma ang ating kailangan, hindi nakasasapat ang pagdepende lamang natin sa mga alagad na mayroon tayo ngayon para tuluyang magapi ang ating mga kaaway. Kinakailangan nating makalikha ng mga alagad na subok ang kakayahan.
Bernard:Mukhang mahihirapan tayong gawin iyan Angelica. Kinakailangan nating magsaliksik nang maigi para tayo ay magtagumpay.
Angelica:Makakaisip din tayo ng mahusay na pamamaraan upang magapi ang ating mga kalaban. Abangan lamang ng Prinsesa at Prinsipe ng Menonia ang ating mabubuong plano laban sa kanila.
Narrator:Paglalakbay sa Kasaysayan.
(Sa isang banda, si Liezel ay kasamang nageensayo ng kanyang ina na si Aine. Tinuturuan ni Aine si Liezel noon sa paggawa ng mga gamot mula sa mga halaman at mga bulaklak at mahika. Mabilis na natuto si Liezel at nakabuo ng mga gamot sa pamamagitan ng mahika at mga halaman. Natuwa naman si Aine sa nagawa ng kanyang anak.)
Aine:Ang husay ng ginawa mo Anak. Mabilis kang natuto sa paggawa ng gamot sa pamamagitan ng halaman at mahika.
Liezel:Salamat po sa papuri ninyo Ina. Mahusay din naman po kayong magturo kaya mabilis po akong natuto.
Aine:Mahalagang matutunan mo ang paggawa ng mga gamot mula sa mga halaman sapagkat iyan ang tungkulin ng ating pamilya. Di ko pa pala naikukuwento sa iyo, ang ating pamilya ay pamilya ng mga manggagamot sa Menonia. Gamit ang mahika at mga halaman mula sa kalikasan, gumagawa ang ating pamilya ng mga gamot para mapagaling ang ating mga kalahi. At dahil sa kakayahan sa paggamot kaya kami nagkakilala ng iyong ama. Ang mga magulang niya noon ay nagkaroon ng malubhang karamdaman. Sa pamamagitan ng gamot na ako mismo ang gumawa, napagaling ko ang karamdaman ng mga magulang niya. Dahil doon, nagkaibigan kaming dalawa. Sinikap kong maging karapat-dapat na maging tagapaghawak ng mga Elemento ng Reyna. Dumating nga ang panahon na hindi lamang ako naging Elemental Princess kundi naging Elemental Queen din.
Liezel:Ina, ibig nyo po bang sabihin ay naisuot nyo din ang sexy na combat suit gaya ng ginagamit ko ngayon?
Aine:Oo naman Anak. Noong una, nahihiya din akong isuot ang combat suit ng Elemental Princess. Pero nasanay din ako sapagkat mahalaga sa akin noon ang tiwalang ibinigay ng iyong ama. Masaya akong nakikipaglaban kasama ang iyong ama upang ipagtanggol ang mga kalahi natin laban sa mga pwersa ng mga Lamian. Kaya lang, napabayaan ko ang paggagamot sa pamamagitan ng mga halaman at mahika. At dahil wala akong kapatid, walang ibang naging tagapagmana ng kakayahan sa paggamot ang aking mga magulang. Subalit hindi nawala ang mga lihim na pamamaraan sa paggagamot ng ating pamilya. Dahil naipanganak kita, mayroon nang pwedeng magmana ng kakayahan sa paggamot ng ating pamilya. Kaya ito ang hihilingin ko sa iyo Anak. Kapag naging reyna ka na ng ating lahi, ituro mo sa magiging anak ninyo ni Eddie ang lihim ng paggawa ng gamot mula sa mga halaman sa pamamagitan ng mahika. Tungkulin ng ating pamilya ang magligtas ng buhay. Kailangan itong magpatuloy para marami pa tayong mailigtas na buhay.
Liezel:Pangako po Ina. Sisikapin ko pong mapanatili ang katungkulan ng ating pamilya na manggamot at magligtas ng buhay. Lagi ko pong aalalahanin na ang nilikha ninyong gamot ang nagligtas sa buhay namin ni Eddie. Gagamitin po namin iyan para matulungan ang aming kapwa.
(Nagyakap ang mag-ina pagkatapos. Sa isang banda naman, abala sa pagsasanay si Eddie. Siya ay puspusang nagsasanay ng kanyang kakayahan sa pakikipaglaban. Hindi nagtagal, dumating naman sina Peachy at Paco sa lugar kung saan nageensayo si Eddie.)
BINABASA MO ANG
ELEMENTAL PRINCESS ROVINA
Fantasy50,000 years ago, the ancient civilization of Menonia was destroyed by the Lamian Empire, which is a group of undead creatures from the world of Hades. They were however sealed by Menonia's last queen for the next 50,000 years. In the year 2012, the...