(Sa The Blessed Mother Academy, habang nasa recess ang mga estudyante ay pinaguusapan ng mga ito ang isang gaganaping konsyerto ng isang banda.)
Male Student 1:Uy, alam nyo ba yung bandang Cold Cheek?
Male Student 2:Oo naman Kaloy. Astig kaya tumugtog ang mga yon!
Male Student 3:Gusto ko silang mapanood na mag-concert. Kelan baa ng concert nila?
Female Student:Sa susunod na linggo ang concert nila.
Male Student:Ayos! Makakapag-ipon pa tayo ng ticket para sa concert nila!
Students:Magiipon tayo!!
Narrator:Tugtog Ng Kadiliman
(Sa kabilang dako, ang bandang napag-usapan ng mga bata ay kakatapos lamang magsagawa ng kanilang pagtatanghal. Ang nasabing banda ay binubuo ng isang babaeng bokalista at gitarista at apat na lalaki na gitarista, basista, drummer at keyboard player. Ang nasabing banda ay nagtungo sa isang lihim na lugar sakay ng kanilang van.Doon ay nagpakita sila kay Ragnar. Nagpalit anyo ang banda at naging mga Lamian Troopers.)
Ragnar:Kamusta ang isinasagawa ninyong pagtugtog?
Lamian Trooper 1:Marami po’ng kabataan ang naghahangad na mapakinggan ang aming musika.
Lamian Trooper 2:Ang mga kabataan po na nakikinig sa aming musika ay nagiimbita pa ng maraming tao upang makinig sa aming pagtugtog.
Lamian Trooper 3:Marami na rin po’ng bumibili ng aming album at nagdadownload ng mga mp3.
Lamian Trooper 4:Patunay lamang po ito na tumataas na ang bilang ng aming mga tagahanga.
Lamian Trooper 5:Tagumpay po ang inyong balak Panginoon!
Ragnar:Ang inyong ginawa ay bahagi pa lamang ng unang bahagi ng aking binabalak.
Brutus:Ano po ang ibig ninyong sabihin Panginoong Ragnar?
Ragnar:Lumabas ka Guitar Lamian! (Nagpakita sa pangkat ni Ragnar ang panibagong halimaw niya.)
Guitar Lamian:Panginoon, ano po ang inyong ipag-uutos?
Ragnar:Samahan mo ang limang manunugtog natin sa susunod na bahagi ng ating plano.
Guitar Lamian:Masusunod po Panginoon!
(Nagpalit anyo si Guitar Lamian at naging isang electric guitar. Ang limang Lamian Troopers ay nagpalit din ng anyo at naging ang Cold Cheek. Pagkatapos non ay umalis ang nasabing banda upang isagawa ang plano ni Ragnar. Samantala sa Faculty Room ng The Blessed Mother Academy, naguusap-usap ang mga guro doon habang sila ay nagbi-break. Habang nasa Faculty Room ay pinakikinggan ng mga guro ang isa sa mga tugtugin ng bandang Cold Cheek.)
Liezel:Uy Maam, ano pala iyang pinakikinggan mo?
Female Teacher 1:Maam Ocampo, mukhang huli ka na yata sa uso ah?
Female Teacher 2:Itong yung kantanung bagong banda na lumabas ngayon, yung Cold Cheek.
Liezel:Hmmm parang narinig ko na nga ang bandang iyan. Madalas kasi iyan na mapag-usapan nung mga bata.
Male Teacher 1:Maganda ang mga kanta nila. Hindi sila pulos ingay lang.
(Masayang nakinig ng mga tugtugin ang mga guro. Walang anu-ano ay dumating ang isa pang kasama nilang guro na may bitbit na isang CD.)
BINABASA MO ANG
ELEMENTAL PRINCESS ROVINA
Fantasi50,000 years ago, the ancient civilization of Menonia was destroyed by the Lamian Empire, which is a group of undead creatures from the world of Hades. They were however sealed by Menonia's last queen for the next 50,000 years. In the year 2012, the...
